CHAPTER 32: That Certain Song

332 16 2
                                    

"Welcome back! When did you came back?" Tuwang-tuwa ang doktor nang makita niya si Carl sa OR.

"Kahapon lang ninong, may jetlag pa nga ako eh." Bati nito sa General Surgery Consultant. He was his father's close friend.

"Good to see you together. Kaya naman pala bigla ka napauwi eh." Hindi nito maitago ang tuwa niya nang makita silang magkasama ni Missy.

"Ha? Uuwi naman talaga ako. I have change of plans. Medyo na-bored na ako sa Michigan eh." Alam na ni Carl ang ibig nitong sabihin. Isa ito sa mga taong saksi sa naging relasyon nila ng dalaga noon.

"Nagkabalikan kayo? Good, I'm happy for you. I couldn't think of another girl than-"

"My daughter's boyfriend is also a new resident in Emergency Department. You know Andrew?" Biglang sumingit ang daddy ni Missy. Sa tagal nito sa Pilipinas, hindi man siya makapagsalita ng diretsong tagalog, nakakaintindi ito.

"Senator dela Vega's youngest son?" Gulat na tanong nito.

"Yes, his youngest." Nakangiti niyang sagot, pero nang dumako ang tingin niya kay Carl biglang nag-iba ang timpla nito.

"Oh, okay...he's a good catch. I know that boy. He is always on the top of his class. Right?"

"Yes, he is really a good catch. I can marry off my daughter now without any worries." Nakatingin ito kay Carl.

"Daddy!"

"What? Drew is a good man. A perfect one. I will not approve your wedding unless it's Drew." Tinapik niya ang anak niya bago nagpaalam.

"Pano? See you around...I've got an emergency case." Tinapik si Carl ng ninong niya.

"Sige po, I will buy you a drink soon."

"Sure, huwag mo pansinin yun. You are a good man Carl. You don't need to be perfect, walang taong ganun." Bulong nito sa binata.

Kahit hindi aminin ni Carl na natamaan siya sa mga pasaring ng daddy ni Missy, alam niyang para sa kanya yun. They were in good terms before, but when he suddenly left for Michigan, everything had changed. Kahit ang Mommy ni Missy na dating tuwang-tuwa sa kanya ay bigla ding nagbago. Hindi niya sila masisi. Pero wala namang nakakaalam ng totoong nangyari, wala na din siyang pakialam sa iniisip ng ibang tao. Nagpapasalamat na lang siya dahil maayos ang pakikisama ni Ace sa kanya kahit paano.

"Pasensya ka na kay Daddy." Sabi ni Missy habang naghihintay sila sa may harap ng elevator.

"Bakit? What he said was true. Anong masama dun? Drew is a perfect son-in law. Ideal man, wala ka ng hahanapin pa. Tsaka, wala na sa akin yun. Let's move on, ang tagal-tagal na nun eh." Carl smiled at her and pressed the elevator's button.

Tahimik lang silang dalawa habang nasa may elevator sila. Naroon pa din ang tensyon kahit pilit nilang itago. Hindi ang tagal ng panahon ang hihilom sa mga sugat ng nakaraan. Lalo na at pagkatapos nilang maghiwalay, hindi na sila nakapag-usap pa uli. May mga bagay na hanggang ngayon ay hindi pa rin nila kayang pag-usapan.

"Sorry for being rude kanina sa auditorium. I just-"

"Hindi ka si Carl kung hindi ka ganun ka-presko at kayabang. You are not Carl if you don't have that kind of sharp and killer eyes. Carl Maxwell Tan Alcantara has the most intimidating smile. Pero like what Doctor Ferrer said, you don't need to be perfect to be a good man."

Hindi nakapagsalita si Carl dahil sa mga sinabi ni Missy. Napangiti na lang siya habang iniiwas na tignan ang dalaga.

"Carl!" Muntik nang matumba si Missy nang maramdaman nila ang pag-uga ng elevator.

MY WHITE COAT DIARIESWhere stories live. Discover now