CHAPTER 5: Women In His Life

3.5K 132 29
                                    

Kara fixated herself with the series she is watching from the moment they reached the airport until they finally seated on the aircraft to avoid unnecessary emotions. It's almost five years since they migrated in Michigan and this is the first time she will ride a plane again. Mixed feelings were there, excitement, nervousness, but mostly, sadness. Being away from her dad and not able to bid goodbye to her mom. Leaving the life she had use to for almost half decade. Few friendships she had made. The place where she once thought a paradise for the three of them.
 
"Mukha ka ng tanga Kara, hindi naman nakakatawa yang pinapanood mo pero tawa ka ng tawa. Okay lang namang malungkot eh. Normal yun. Stop pretending you're okay. Ikain mo na lang yan." Tinanggal ni Drew ang earphone niya at inagaw ang cellphone nito.
 
"Uy! Kelan ka bumili neto? Ito yung kanina ko pa iniisip na gusto kainin eh. Kaso ang layo ng gate natin doon. Binili mo talaga to para sa akin?"
 
"Ay hindi, binili ko para sa sarili ko. Lahat naman sayo katamaran. Kakainin mo na nga lang, tatamarin ka pa rin." Buntong hininga nito habang ikinakabit ang seatbelt ni Kara.
 
"Alam mo hindi ka pwedeng malungkot lagi. Nakaka-ikli ng buhay ang comfort food mo. Puro asukal at kolesterol."

Pinahid niya ang icecream sa may baba ng dalaga sabay kuha sa icecream sa kamay nito. Dinilaan niya ang tumutulong icecream at pinunasan ang kamay ni Kara.
 
"Eh anong gusto mong comfort food ko? Prutas? Nuts? Fresh salad? Salmon? Akin na nga yang icecream ko, kunwari ka pa eh. Gusto mo lang ubusin eh! Bakit kasi naka-cone ang binili mo." Inagaw ni Kara ang icecream sa kamay ni Drew.
 
"Ikaw na nga tong binilhan, ang dami mo pang reklamo. Ito pa, dagdagan pa natin ang kolesterol sa katawan mo." Iniabot niya ang dalawang large french fries kay Kara. 
 
Mcdo's sundae and french fries were Kara's comfort food. Mula noong bata pa sila, paborito na niya iyon. At sa tuwing nalulungkot siya, naiinis, at ninenerbyos, may kung anong nagpapakalma sa kanya at nagpapagaan ng nararamdaman niya sa tuwing nakakain siya ng sundae at fries.
 
"Anong meron sa Mcdo na wala sa Jollibee? Bakit kailangan Mcdo, pwede namang Jollibee." Paborito ni Drew ang fast food na iyon, pero sa tuwing magkasama sila ni Kara, ang dalaga ang laging nasusunod.
 
"Hmmm...Mcdo...kasi love ko to, parang ikaw." Sinubuan niya si Drew ng french fries sabay sabi ng sikat na punch line ng Mcdo.
 
"Love ko." Hindi niya alam kung para saan ba ang buntong hininga na iyon.

Minsan, gustong-gusto na niyang magtapat ng totoong nararamdaman niya para kay Drew. Gusto niyang sabihin sa binata na higit pa sa matalik na kaibigan ang turing niya dito. Pero alam naman niyang hindi iyon papansinin ni Drew. His heart belonged to Melissa, a woman who she can't compete. Hindi lang dahil matalik niya itong kaibigan kundi alam niyang mula ulo hanggang paa ay wala siyang panama dito. Melissa is a goddess of beauty, a talented and smart one. Mga bata pa lang sila, crush na crush na siya ni Drew.
 
"Ikaw, love mo din ba ako?" Nilingon niya ang binata na panandaliang natahimik sa sinabi niya.
 
"Nandito ako para iuwi ka sa Pilipinas. Iniwan ko ang exams sa kalagitnaan ng midterm. I am willing to lose my title as the top student. And on the top of that, I am willing to marry you in the middle of nowhere. Tell me, do I really need to answer that question."
 
"Alam mo daig mo pa ang tatay ko, ang haba ng sermon mo. Oo at hindi lang naman ang sagot." Pagtataray niya sabay talikod sa binata.
 
"Uy tag-isa tayo sa fries, huwag mo solohin!" Nakikipag-agawan si Drew sa kanya pero kahit ni isa ay hindi siya binigyan ni Kara. Tinalikuran niya ito at hindi kinausap hanggang sa nagsimula ng lumipad ang eroplano nila.
 
Ang totoo ay para kay Kara naman talaga lahat iyon. Nawala ang pag-aalala niya nang magsimulang antukin ang dalaga pagkatapos nilang kumain. Wala na sa mga mata nito ang lungkot at pagkabalisa. Ganado itong kumain sa lahat ng pagkain na inihain sa business class ng Etihad Airways.
 
Salamat sa fries at sundae.
 
Nakangiti ito habang pinagmamasdan si Kara na mahimbing na natutulog. Siya na siguro ang taong walang arte sa katawan at sa pagtulog. Kahit anong posisyon nito, kapag nakatulog siya ay para itong mantika. Walang pakialam sa ingay sa paligid. Nakasandal ang ulo nito sa kabilang dako kaya pagkatapos ayusin ng binata ang kumot niya, isinandal ni Drew ang ulo ni Kara sa balikat niya.
 
"Yes, I love you. Alam mo naman yun, diba?" Sabi niya sa tulog na tulog na dalaga habang inaayos ang gulo-gulo nitong buhok.
 
Masaya siya dahil he was goal met. Sa  wakas ay maiuuwi na niya ang dalaga ng Pilipinas.

MY WHITE COAT DIARIESWhere stories live. Discover now