CHAPTER 56: The Woman I Love

430 22 11
                                    

"Kuya Ace...can you fetch Kara for me? I'm on my way eh, pero..." Bumuntong hininga si Drew sa telepono at iniliko ang kotse niya nang matanggap ang tawag sa cellphone ni Missy.

A staff from the bar called him. Rinig niya ang boses ng dalaga na umiiyak habang nakikipag-away at nag-oorder ng alak. For the past few weeks, her routine is to get herself drunk. She has a low tolerance in liquor like Kara.

Kung anu-ano ang ginagawa nito kapag nalalasing siya. Wala ding ginawa si Drew sa halos isang buwan kundi ang mag-duty, hatidan ng pagkain si Kara at alagaan si Missy sa tuwing umiinom ito.

He never complained because he felt responsible for everything that had happened. Ang nangyari kay Kara at ang palaging paglalasing ni Melissa pagkatapos nilang maghiwalay.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Ace sa kanya dahil alam niya ang sitwasyon ng binata. Ang pag-iwas ni Kara na pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Drew at ang pagiging malapit nito kay Carl. Dumagdag pa ang tila pagre-rebelde ni Missy.

Kahit siya ay apektado rin sa mga nangyayari. Kahapon lang ay nalaman ni Ace ang pagkakaroon ni Carl at Kara ng relasyon nang mahuli niya ang dalawang magkatabi sa mismong kama ng binata. They are sleeping together and it doesn't need an explanation.

"Binibigyan ka pa din ba ng kapatid ko ng sakit sa ulo? Is she drunk again?"

"Same old story kuya...iuuwi ko muna siya. Tito will reprimand her again kapag inuwi ko siya sa bahay nyo. Nahihiya din ako kay Tita dahil sa nangyari. But I have to be honest with them, lalo na sa sarili ko. I hope you-"

"I understand it Drew, no worries. Melissa may be my biological sister. Pero the three of you are my-"

"Thank you kuya, thank you for always being there." Mabilis na putol ni Drew sa kanya.

"Do you know that..." Nagdadalawang isip si Ace na sabihin kay Drew ang tungkol sa nakita niya.

"I knew it, Kara already told me noong isang araw pa."

"She...what?" Bulalas niya kay Drew.

"She...told you?" Gulat na gulat na tanong ni Ace.

"She did, I am her best friend...diba? Mahuhuli ba ako sa balita? Actually, this is their third day. Ayaw pa nga sana niyang umuwi eh. Carl wasn't discharge yet, she wanted to stay there. Pero napilit ko siyang umuwi. I told her na dadalhin ko siya sa ospital everyday to see him. Isasabay ko na lang siya uli bukas sa-"

"Drew...are you..." Malungkot si Ace na naunahan siya ni Carl. Pero ang totoo, hindi na siya nagtangka pa na magtapat kay Kara dahil kay Drew. He knew how much he love her. Isa pa, alam din niyang magulo pa ang isip ng dalaga. Hindi niya inaasahan na iyon pala ang mangyayari.

"Ikaw kuya, are you okay?" Pabirong sabi ni Drew para itago ang lungkot niya. Hindi nakasagot si Ace, ramdam nito ang lungkot ng binata sa kabilang linya.

"Sige na kuya..." Paalam ni Drew sabay patay ng telepono niya. Tinawagan niya si Kara para sabihan na si Ace ang susundo sa kanya.

Nagmamaneho siya habang inaalala kung gaano kasaya ang dalaga ng araw na ibalita niya ang tungkol sa kanila ni Carl. For the longest time, noon lang uli niya nakitang ngumiti ng ganun si Kara. She was like a teenager who ends up giggling while relaying their moments. Ni hindi na nga siya nagkaroon pa ng pagkakataon na makasingit sa mga kwento nito. Pinakinggan na lang niya ito at hinayaang maging masaya kahit pa sobrang nasasaktan siya.

You deserve to be happy and I deserved everything I had now...

Sabi ni Drew sa sarili habang papunta sa bar kung nasaan si Missy. Tulad ng dalaga, gustong-gusto din niyang maglasing para kahit paano ay maging manhid at hindi maramdaman ang sakit. Pero dahil pinili niyang akuin ang responsibilidad sa lahat ng nangyari, he is trying to be strong for Missy. Gusto din niyang parusahan ang sarili na maramdaman ang bawat sakit na naibigay niya kay Kara.

MY WHITE COAT DIARIESWo Geschichten leben. Entdecke jetzt