Chapter 70

49.9K 993 469
                                    

Atarah's POV

NANGINGINIG ang mga tuhod ko habang nakatungo ako sa mga 'to dahil wala akong tigil kaiiyak hanggang sa naramdaman kong may humahaplos haplos sa likuran ko.

Inaangat ko ang paningin kong nanlalabo na dahil nahaharangan ng mga luha ang mata ko. "A-aida?" nauutal na saad ko dahil hindi ako makapaniwala na ngayon ay nakikita ko na naman siya.

"Bakit ka umiiyak? Inaaway ka na nan ng ipaktang Presh na 'yan? Ano gusto mo, resbakan natin? Patulong tayo sa Aidanians?" napatitig ako ng matagal sa mukha niyang napakaamo. Tama nga si Aida nga ang kaharap ko pero paanong nangyari ito---Tama, mukhang nasa isa akong panaginip.

Napakagat ako saaking labi at mabilis na sinunggaban siya ng mahigpit na yakap."N-nandito ka.." napipiyok kong saad.

Kumalas siya sa yakapan namin. Wala akong kahit anong mababasang expresyon sakaniya na pagkalungkot na nagbibigay kahulugan na masay siya sa tunay na sinapit niya."Pasensya na ngayon lang ako nagpakita ha, si Dohawi kasi ang kulit kulit. Hindi ako makaalis ng bahay.."napakamot pa 'to sa kaniyang ulo at napabusangot pa.

"D-dohawi?" bigkas ko. Nagkita na sila at lubhang nakakatuwa 'yun. Basang basa ko sa mga mata ni Aida ang saya niya kahit pa mukhang iritado pa 'to.

"Oo 'yung asawa ko, ano ghorl may amenesia ka? Hahaha. Ano na tara na bigyan natin ng matamis na sampal si Presh mulasa mga dyosang katulad natin? Arat na!" napaawang ang labi ko dahil talagang kung ano anong pambatang 'words' ang natutunan n'ya simula nang namulat siya sa paggamit ng mga social media at gadgets.

"AIDA!" napalingon kaming dalawa ni Aida sa tumawag sakaniya at natagpuan namin si Dohawi na palapit saamin kasama ang anak niyang Dawina.

Ang kisig kisig nito ngayon at masasabi kong may taglay talaga siya na kagwapuhan pero hindi ko lang inappreciate noon dahil jinudge ko agad ang pagkatao nila dahil nga parte sila ng ixix o rebelde kaya kahit anong kagandahang lalaki noon ni Dohawi ay hindi ko pinansin 'yun dahil sa galit at pang j-judge ko sakanila. "Oo saglit lang!" sigaw niya pabalik saka hinarap ako. "Pasensya na kailangan ko ng umalis. Iwan ko muna si Dawina sayo ha, may date kami ng asawa ko eh." natulala ako sa sinabi niya dahil kahit panaginip lang 'to at iba ang senaryo sa pagiwan niya saakin kay Dawina ay alam kong pangitain 'to.

"T-tita Atarah!" utal na saad ni Dawina dahil hirap pa rin 'to sa pagbigkas ng mga salita saka lumapit 'to saakin para yakapin ako.

"Iwan ka muna ni Mama kay Tita Atarah ha, laro kayo ni baby Ranch." ngumiti ng pagkatamis tamis saakin pati na rin kay Dawina si Aida.

"Alagaan mo si Dawina ha, Paalam." malaki ang ngiti ng makisig na si Dohawi habang sinasalubong ang asawa.

"M-mama!" nagsimulang umiyak si Dawina at mabilis na tumakbo peeo nadapa lang siya dahilan kaya mas lalong lumakas ang iyak niya. Agad ko nalang 'tong binuhat at pilit na hinabol sina Dohawi at Aida.

MAKE ME PREGNANT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon