Chapter 55

28.9K 665 269
                                    

Atarah's POV

DINILAT ko ng paunti unti ang mga mata kong napakabigat. Napatitig ako sa kisame ng mapungay pungay na mata. Agad akong napaupo sa kama nang mapagtanto kong nandito pa rin ako sa mansyon ni Rare.Napahawak ako sa ulo ko at ipinikit ang mga mata ko ng mariin. Nandirito pa rin ako so ang ibig sabihin hindi panaginip ang nangyari kagabi? Lahat nang 'yun katotohanan?

Napatayo ako mula sa pagkaupo at dumaretso sa bathroom. Pagpasok ko agad akong tumingin sa salamin at natagpuan ko agad ang sarili ko na namamaga ang mga mata, namumula ang ilong at namumutla habang suot ko pa rin ang pajama na kagabi ko pang suot suot.

Agad akong naghilamos at may nakita ako toothbrush na mukhang bago pa kasi nasa pack pa 'to kaya ginamit ko na. Dahan dahan ako nagtooth brush at pinagmamasdan ko ang mukha ko ang mukha at 'di ko alam pero biglang nag flashback ang lahat ng nangyari kagabi.

"Rare.." bulong ko at unti unti na naman nagsituluan ang luha ko. "Ano g-ga ka Atarah! Iyak iyak ka d'yan ikaw naman may kasalanan!" naiiyak kong sigaw sa refleksyon ko.

Ang sakit sakit na marinig at ma realize ko na mali lahat ang alam ko. Tama siya, hindi ako nagtiwala sakaniya. Tama lang na magalit siya at magsumbat siya dahil bakit hindi ko nga naman siya hinayaan magexplain, bakit nag conclude agad ako? Bakit nagalit agad ako without hearing his side.

Mahal na mahal ko siya pero ganito ang ginawa ko, mahal ko siya pero hindi ko siya pinagkatiwalaan. Sinaktan ko siya, ang sarili ko, pamilya ko at nag suffer ang anak ko dahil sa kagagahan at katangahan ko.

Mabilis na tinapos ko ang pahilamos at pagtoothbrush saka lumabas ako nang bathroom at agad na hinanap ang ibinigay ni Rare saakin na couple necklace namin. Natagpuan ko 'to sa gilid ng coffee table kung saan nandoon ang litrato naming dalawa.

Dahan dahan akong naupo sa kama at inabot ang picture frame saka kwintas na may pendant na pearl at ang isa na may kabibe.

"Mander ko.." hinaplos haplos ko ang litrato namin kung saan pareho kaming masaya sa Bagasbas Beach sa Cam sur. Napahikbi na ako ng malakas dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Inalis ko ang tingin ko sa litrato at inilipat sa lapag kung saan siya nakaluhod saakin kagabi.

Ang sakit ng pagiyak niya 'di ko akalain na makakaiyak siya ng gano'n nang dahil saakin. Hindi ko akalain na kaya niyang ibaba ang sarili niya para lang lumuhod sa harap ko at magmakaawa. Nang ikwento niya saakin ang lahat at pinaliwanag ang side niya naghalo halo ang emosyon ko, galit ko sa sarili at sa mga taong may gawa nito saamin. Pagkalungkot dahil naging misserable kaming lahat nang dahil saakin at ang pang huli matinding pagkahinayang dahil nasira kami ng mahal ko at nawalay kami ng anak ko sakaniya ng ilang taon dahil sa mali kong akala at 'di pagtitiwala sakaniya.

Kagabi, gusto ko siyang yakapin, gusto kong sa tabi ko lang siya habang inaabsorb sa utak ko ang lahat ng nangyari dahil sobrang miss ko siya at siya lang ang mapagpapatahan at magpapakalma saakin. Nakakapang lambot lahat ng mga sinabi niya saakin sa isang iglap nawala ang lahat ng galit ko sa puso sakaniya kahit sa pamilya ko at parang biglang nabuhay ang pagmamahal ko sakaniya na pilit ko nang pinapatay noon pa man.

"Goodbye, my butterfly, I'll let you fly away now with your family. Always remember that I love you d-mn much.."

Gumuho ang mundo ko sa huli niyang mga pinagsasabi. Pinapakawalan niya na ako at 'di pinaglalaban para sa kasiyahan ko dahil akala niya kami talaga ni Roks at masaya ako sa piling nito. Iniwan niya ako sa kwartong 'to ng luhaan at manigat sa puso niya. Sana hahabulin ko siya at sasabihin ko ang lahat ng totoo ang kaso hindi ko magawa dahil hinang hina na ako. Ni hindi na ako makagalaw sa kama pagkatapos ng mga mangyari. Hirap na hirap ako kumilos at huminga kaya hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

MAKE ME PREGNANT (COMPLETED)Where stories live. Discover now