Chapter 34

43K 805 467
                                    

Atarah's POV

KARARATING lang namin ngayon sa mansyon at 9 am na. Sinundo kami ng chopper ni Rare mula sa Daet, Camarines Norte para mas mapabilis ang uwi dahil may lakad pa ako. Nagland 'to sa helipad ng kaniyang mansyon. At pagkatapos nito ay hinatid na ako rito ni Rare.

Ang sarap kaya sa feeling kasi naupo ako sa tabi ng pilot seat tapos si Rare ang nakaupo sa pilot seat at siya ang nag drive ng helicopter. Astig niya nun sobra parang ang hot hot ng dating niya.

Lahat nalang ata kaya gawin ni Rare eh. Andami kong nalaman sakaniya ngayon, Marunong siya mag surf and marunong pa siya magpatakbo ng helicopter, Saan ka pa?

Papasok na kami ng Mansyon dala dala ang aming pasalubong nang makasalubong namin ang aming mayordoma na may dalang dustpan and walis.

"Hi Lala Anita, sina Mommy po?" tanong ko rito sa ngiti ng matamis.

"Nasa opisina ang Daddy mo at ang Mommy mo ay nagdidilig ng halaman sa garden." sambit nito saka tinuro pa ang papunta garden.

"Sina Ate and Charl po?" tanong ko pa ulit.

"Ang Ate mo ay kasama si Akeila sa playroom at si sir Charl naman ay umalis at may meeting yata 'to doon sa business nila." sagot ni Lala.

"Sige po! Lala bigay ko mamaya pasalubong nyo ha. " masayang sambit ko sabay turo sa buhat buhat na mga paper bag ni Rare.

"Aba'y saan ka ba nangaling?" nakakunot noong tanong nito.

"Daet, Camarines Norte po." ngumiti siya ng nakakaloko at nagpapalit palit ang tingin niya samin ni Rare.

"Kayo na bang dalawa?" matamis na saad nito.

"Soon Lala Anita.." nakangising saad ni Rare. Gusto ko ngang sabihin kay Lala Anita na 'Naging boyfriend ko na po 'yan at EX ko na'

"Aba'y ikaw Atarah bakit hindi mo pa kasi sagutin ang gwapong 'to bahala ka baka biglang mapagod at doon mo lang mapagtatanto na mahal mo.." nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi ni Lala.

Paano nga? Paano nga kung biglang sumuko si Rare at tigilan niya na ang panliligaw saakin? Tapos 'yun na 'yung time na hindi na ako naguguluhan at huli na..

"I will never get tired of waiting her.As long as I breath, I will never stop loving her." lumingon saakin si Rare at malalam ang titig niya saakin kaya napangiti ako at ramdam kong nag init ang pisnge ko.

Argh?! Deserve ko ba talaga ang lalaking 'to? D-mn ano bang meron saakin at nagustuhan ako ng perpektong lalaking 'to.

"Ganyan na ganyan din ang sinabi ng manliligaw ko noon." natatawang biro ni Lala habang umiiling iling.

"My love for her is so pure and true, I can never run away from life challenges and responsibilities." nakangiti na sambit saakin ni Rare kaya napaiwas ako ng tingin sakaniya.

Galing magpakilig!

"Biro lang iho, Alam ko naman eh. Totoo laman n'yan." natatawang tinuro ni Lala Anita ang dibdib ni Rare kung saan nakalokasyon ang kaniyang puso. "Kaya ikaw iha h'wag mo ng pahirapan 'tong binatang 'to. Hahaha. Oh sige na at magwawalis pa ako. " tinanguan at nginitian kami ni Lala bago siya naglakad palayo saamin.

MAKE ME PREGNANT (COMPLETED)Where stories live. Discover now