Chapter 21

45.5K 970 404
                                    

Third Person's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Third Person's POV

PUTUKAN ng mga bomba at baril mula sa dalawang grupo ang umaalingawngaw sa maliit na barangay na ito sa Marawi.

Rebelde laban sa mga tauhan ng gobyerno. Maraming duguan, walang malay at walang buhay ang nagkalat sa daanan nito.

Galit na galit ang mga rebelde sapagkat marami sa kanilang kasama ang nasugatan at namatay pero mas galit ang mga sundalong walang hangad kung hindi ang kapayapaan at kaayusan ng lugar.

Nagkakagulo at nagpapanic ang lahat, May mga umalis na mga military truck sakay ang mga sibilyan para ilikas. Pinasakay na rin sa mga military truck ang mga sugatang sundalo.

Samantalang sa isang mas secured na military truck inilagay ang ibang bangkay ng mga rebelde na napatay ng mga sundalo.

Patuloy ang pagpapaputok ng baril  si Captain Roks Montego. Galit na galit siya at nanlilisik ang mga mata niyang kulay abo. Magaling siyang umasinta kaya karamihan sa mga natamaang rebelde ay siya ang may gawa.

Nagtatago ito kaagad sa gilid ng isang bahay at nilagyan ng bala ang kaniyang baril pero bigla pumasok sa isipan niya ang mukha ng isang mala anghel na babae na takot na takot.

Umigting ang panga niya at nakaramdam siya ng hindi maganda kaya tumakbo ito ng mabilis papunta sa mga military truck upang kumpirmahin kung naakalis ng ligtas ang sinasakyan truck ni Atarah.

"Nakaalis na ba ang mga nurse?!"bungad na tanong ni Captain Roks sa mga kasamahan niya.

"Oo kanina pa Captain!"Nakahinga naman siya ng maluwag sa sinabi ng kasamahan niya pero lingid sa kaalaman nito ay hindi kasama si Atarah sa mga naligtas na 'yun dahil ang dalaga ay sadyang pasaway at hindi inalala ang sarili kahit na nasa bingit ito ng kamatayan at sa halip ay mas inalala niya pa ang kalagayan ng batang lalaki na niligtas niya.

Walang nakapansin sa pagbalik ni Atarah sa bahay kung nasaan ang batang lalaki na tinulungan niya tanging ang mga sakay lang ng military truck na kanina niyang sinakyan ang nakakaalam at dahil na rin busy ang mga sundalo na nagbabantay sakanila sa pagaasikaso ng iba pang sibilyan hindi na nila napansin na may kulang, at may nawawala.

GALIT na galit ang lalaking nurse na si  Jacques sa ginawang pagpigil sa kaniya ng mga tao na sakay truck na 'yun.

"P-tangina n'yo! Ibaba n'yo ko! Bitawan n'yo!" natatakot siya para kay Atarah dahil hindi malabo na sa muling pagkikita nila ng babaeng 'yun ay isa na 'tong malamig na bangkay.

"Makonsensya naman kayo! T-ngina naman oh! Tinulungan niya kayo sa kalusugan nyo! Kaya p-ta bumalik tayo dun iligtas ko siya. Pababain n'yo na ako!" Lumandas sa pisnge niya ang luha mula sa kaniyang mata. Nabigo siyang protektahan ang dalaga gaya ng pangako nito sakanilang mga kaibigan at pati narin mismo kay Atarah.

MAKE ME PREGNANT (COMPLETED)Where stories live. Discover now