Chapter 64

30K 659 158
                                    

Atarah's POV

HINDI ko inalis ang tingin ko kay Rare habang iyak pa rin ako ng iyak pero hindi ko naman siya magawang lapitan. Natatakot ako lalo na't sobrang frustrated niya at umiiyak habang kausap niya si Kenji.

Gustong gusto ko siyang yakapin dahil pareho naming kailangan ang isa't isa sa mga oras na 'to pero nanghihina akong lumapit sakaniya.

Wala akong pakialam kung paano n'ya nalaman ang tungkol saamin ang mahalaga ay alam n'ya na buhay ang anak namin. Alam kong galit siya, dahil kanina nang unang magtama ang mga mata namin ay sari saring emosyon ang nakita ko sa mga mata niya pero galit at lungkot ang nababasa ko ang pinaka nababasa ko.

"Anak. Mauwi na tayo.." pagod akong tumingin kay Mommy. Nandito pa rin kami sa labas ng hospital dahil ayaw ko pang umuwi hanggat hindi nakikita ang anak ko.

"No, Mommy. Hindi ko kayang umuwi, hanggat hindi ko nahahanap ang anak ko." nanginginig na saad ko.

Ngayon araw ang operasyon ni Ranch at naipasok na siya sa operating room. Dapat sisimulan na ang operation pero nagkagulo dahil may mga armadong lalaki na t'yak kami mula sa mga tauhan ni Presh na nagpanggap bilang nurse. Ang mga totoong doctor at nurse ay pinagbabaril sa operating room isa na doon si Kristan dahil siya dapat ang magoopera kay Ranch.

Pinayagan siya na maghandle sa case ni Ranch kahit taga ibang hospital 'to dahil kilala siya bilang isa sa mga pinakamagaling na surgeon at talagang delikado ang g-gawing heart transplant kaya mabuting magaling at subok ang mag o-opera kay Ranch pero hindi na tuloy dahil sa gulo.

"We'll handle this Klyte, you should rest. Your Dad, Rare and me is here. Kami na ang bahala.." seryosong sambit ni Roks habang ang mga abong mata niya ay hindi inaalis saakin.

Sumulyap muli ako kay Rare na ngayon ay may kausap sa kaniyang telepono habang si Kenji naman kausap si Dad.

"Hindi, paano 'yung anak ko. Kailangan mahanap na siya!" pangigiit ko dahil 'di ko kakayanin kapag may nangyari sakaniya.

Kanina hindi kami pinapunta kahit sa labas ng operating room ang akala namin bawal talaga kaya nagstay nalang kami sa maliit na chapel ng hospital upang doon mag dasal ngunit nabigla nalang kami nang magkaputukan na ng baril.

Nagkagulo ang mga doctor, nurse, at mga taong dapat na bibisita sa mga kamaganak nilang nandito sa hospital dahil nagkapalitan ng putok ng baril ang bawat kampo. Sobrang bilis nang pangyayari lalo na't hindi basta basta makagalaw ng ayos ang mga tauhan ni Roks at ni Daddy dahil may mga taong madadamay kaya noong pagpunta namin sa operating room natagpuan namin ang mga nurse, cardiologist and ang surgeon na si Kristan ay  nakahandusay sa sahig.

Daplis lang ng bala ang mga sa kasamaan ni Tan pero siya sa ulo ang tama ng baril kaya lubha kaming nataranta at mabuti nalang nasa hospital na kami kaya agad siyang inoperahan and hanggang ngayon hindi pa rin tapos.

Sobrang delikado ang mangyari sakaniya at maaring mamatay siya lalo na sa ulo tumama ang baril. Kung mag s-survive siya pwedeng macomatoes siya o 'di naman kaya kapag nagising ay samut saring sakit ang maaring magkaroon siya.

Si Ranch, ngayon ang operation niya. Sobrang hina na ng puso niya at mas manghihina 'to lalo na't t'yak wala siyang iniinuming gamot at kapag hindi siya nakahinga walang oxygen na isasalpak sakaniya atmaaring mawala na siya saakin ng tuluyan.

Hindi ko na alam ang mangyayari sa buhay ko kung mawawala ang anak at bestfriend ko. Ang laking parte sa puso ko mawawala at lubos lubos akong maghihina.

MAKE ME PREGNANT (COMPLETED)Where stories live. Discover now