Chapter 26

44.9K 1K 346
                                    

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.



Atarah's POV

NANGINGINIG ang mga paa ko ngunit nagawa ko pa ring makapunta sa kwarto nina Ate Akisha. Wala akong tigil sa kakakagat ng aking labi kaya kahit anong oras ay magdurugo na 'to .

Nangingilid pa rin ang luha ko nang pumasok ako sa loob nito. Nagtama agad ang mata namin ni Charl pero agad ko rin iniwas at binaling ko ang tingin sa matiwasay na natutulog na si Ate.

He's really mad.

Nakakatakot ang mata niya, 'yung tipong ako lahat ang sinisi niya at parang gusto n'ya akong saktan dahil sa ginawa ko sa magina niya.

"Anak.." mahinahon sambit ni Mommy habang sinenyasan niya ako na lumapit ako sakanya natatakot pa akong lumapit rito dahil baka ipahiya at sampalin lang ako nito dahil sa nangyari sa paborito nilang anak.

"Anak, may problema ba? Ok na ang ate mo h'wag ka na magalala." tumayo si Mommy sa pagkaupo mula sa kama at agad naman akong napaatras sa kinatatayuan ko ng bahagya dahil natatakot ako na isang sampal ang sumalubong saakin.

"Anak, what's wrong?" Nagtatakang wika ni Mommy dahil sa naging aksyon ko pero nagulat ako nangyakapin niya ako at pinunasan ang luha na 'di ko namalayan na nagsituluan na pala.

"Shh, Masama ba ang pakiramdam mo?" umiling lang ako sa tanong ni Mommy at napakagat sa labi. Bakit ang hindi galit sina Mommy? Hindi pa ba nila alam?

"H'wag ka ng magalala, ok na ang Ate mo. Alam mo namang sakitin ang siya lalo na 'yung pagiging hikain n'ya pati na rin ang pagkakaroon ng allergy nito sa alikabok." Napalabi ako dahil ngayon kolang narealize na hindi ko alam na allergy pala 'to sa alikabok at hanggang ngayon pa rin pala ay hinihika siya.

Simula nung bata kami, madalas siyang magkasakit at hinihika. Nasa kanya lahat ng attention lalo na nina Lolo at ng parents ko. Una palang ramdam ko na may favoristism kaya pumayag ako nung bata ako na sa lola ko na sa side ng mommy ko ako mag stay dahil nararamdaman kong out place ako sa bahay noon.

"Shh, Ath. Stop crying na. Ok na siya. Dumito ka muna ok? Samahan mo si Charl na bantayan ang Ate mo. Hintayin mo nalang magising siya, ha? I will talk to your dad." dahan dahan nalang akong tumango at pinunasan ang luha sa mata ko.

Naramdaman ko pa ang pagdampi ng labi ni Mommy saaking noo bago nito napagdesisyunan na lumabas ng kwarto nila Ate.

Lumapit ako sa matiwasay na natutulog na si Ate pero bago ko pa hawiin ang buhok niyang tumapon sa mukha niya ay may marahas na humablot ng braso ko.

MAKE ME PREGNANT (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang