Chapter 36

40.4K 802 322
                                    

Atarah's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Atarah's POV

ANG laki ng ngiti nang bumaba ako sa
hagdan dahil excited ako pumasok sa trabaho at isa pa nakausap ko kassi Rare eh kaya mas lalong gumaan pakiramdam ko.

"Ano ang ngiti ngiti ng Apo ko?" Nakangiting tanong ni Lola saakin nang sinalubong niya ako.

"Good morning lola!" agad ko siyang dinaluhan ng mainit na yakap. Ewan ko ba super hyper ko pag gising ko pero mas naging hyper ako nang tumawag si Rare.

"Huling nakita kong nakasuot ka ng pang nurse na uniporme noong pagkatapos mo sa kolehiyo. Ang tagal na rin." proud na proud na sambit ni Lola habang pinagpapasadahan ng tingin ang kabuuan ko.

"Oo nga po eh, Nag breakfast na po kayo?" tanong ko dahil pansin kong pormado si Lola. Nakapang alis siyang damit na isang bestida na halatang mamahalin. Saan kaya pupunta 'to?

"Oo nakapag exercise na rin at eto sasama ako sayo, Gusto kong makita ang pinagtatrabauhan mo apo." Nasa 67 na si Lola pero malusog ang kaniyang pangangatawan.
Wala siyang kahit anong mga sakit o kumplikasyon sa katawan. Hindi nga halatang nasa 60s na siya.Mga parang nasa 50s lang ganon. Hahaha.

Vegetarian and health concious si Lola simula bata siya, hindi katulad ni Lolo na kahit anong bawal sa kaniya ay kinakain o ginagawa niya. Kaya inatake si Lolo sa puso at namatay siya sa edad na 69 years old, dalawang taon na rin ang nakalipas.

"Oh sige po, kaya po pala naka bestida kayong maganda. Tara na po?" nakangiti kong sambit kaya nginisian niya lang ako ng mapagmalaki.

"Hindi ka na ba mag b-breakfast?" mahinahon na tanong nito pero umiling lang ako.

"Hindi na po baka sa hospital nalang po, may cafeteria naman po doon eh." Tumingin ako sa taas ng hagdan. "Tulog papo sila?" tanong ko kay Lola dahil maaga pa. 6:40 am palang.

Dito nag stay ang lahat ng pinsan at mga Tita saka Tito ko kahit na may iba sakanila na may sariling mansyon.Etong mansyon namin ay pagmamayari talaga ni Lolo na ipinamana kay Daddy dahil siya ang panganay. Siya rin ang naging taga pagmana ng business samantalang sina Tito Apollo ang pangalawang anak at ang bunso na si Tita Ariela ay naging taga pag mana ng iba iba pang ari arian ng pamilya.

Pero si Daddy talaga ang pinaka maraming nakuha na mana pero hindi naman nagreklamo and dalawa dahil katakot lang nila kay Lolo.

"Nasa dining area ang mga Magulang at Tita mo. Magpaalam ka na at maghihintay na ako sa sakyan." Tumango saka ngumiti at dumaretso sa Dining Area. Naabutan ko doon si Mommy, Daddy, Tito Apollo, Tita Jandi, Tito Kernold at Tita Ariela.

MAKE ME PREGNANT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon