Chapter 22

47.7K 1K 255
                                    

Atarah's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Atarah's POV

NAPAHAWAK ako sa batok ko habang matapang ang mukha na nakaharap sa pinuno ng IXIX na 'to ayon sa pagkakarinig ko sa mga pesteng IXIX na 'di naliligo na 'to, parang siya lang ang may hawak or lider ng IXIX na ang sakop ay Pilipinas. Kada bansa ay mayroong mga rebelde na iba iba ang leader pero di umano may pinaka namumuno talaga sa mga 'to.

Matalim ko siyang tinignan mata sa mata. Mukha siyang arabo na 'di ko ma explain. Ang kapal ng kilay, matangos masyado ang ilong, may makapal na bigote at balbas, bilugan ang mga mata, medyo brownish ang kulay ng balat inshort mukhang mabaho.

"Tama nga ang naririnig ko na masyado kang matapang." nakangisi niyang sambit habang naka indian seat at pinupunasahan ang hawak niyang baril.

Sa limang araw kong pamamalagi sa kampo nila na napapalibutan ng mga panget at mababahong nilalang ay ngayon lang kami nagkita ng leader nilang 'to. Dumating siya rito kasama ang isang babaeng buntis mukhang asawa niya. 'Di ko alam saan sila nanggaling dahil wala rin naman akong pake.

"Ano ba kailangan mo?" maattiude kong tanong. Nasanay na ang mga tao saakin dito na gan'to ang ugali ko. 'Di ko mapigilan magtaray at mag attiude. At isa pa hindi na ako natatakot sakanila, immune na eh. 'Di naman nila ako magagalaw o masasaktan dahil katakot lang nila kay Amirah at sa mgapagbabanta ko.

Protektado ako ni Amirah eh, medyo close kami kahit na mukhang laging galit. Madalas ko siya katulong sa pag gagamot sa mga kasamahan niya.

Nakakatawang isipin na natatakot ang mga rebeldeng 'to na madapuan ng malalang sakit pero makipag barilan sa mga sundalo ay hindi.

"Kabwunan na ng aking asawa. Kailangan mo siya alagaan. Dumating din saakin ang balita na may sakit ka. Mahahawa ba ang mag ina ko?"seryosong saad nito.

Napaawang ng labi ko habang nakatingin sa mata niya na bigla nagiba. Pagmamahal at matinding pagaalala ang bumalot rito ibang ibang sakanina na puro kayabangan.

So he really cared about his wife and baby. Akalain mo nga namang may puso pala ang isang 'to.

"Makakahawa ako kung may magtatangkang makipagtalik saakin!"mataray na sambit ko. Napabuntong hininga ito at ibinaba ang hawak na baril.

"Mabuti naman kung ganoon, Pakipuntahan nalang siya sa kubo namin. Makakalabas kana." inirapan ko ito at lumabas sa kubong maliit na 'yun.

Nakaabang sa labas ko si Amirah. Tinapunan ko siya ng tingin at tinasaan n'ya naman ako ng kilay.

"Anong sinabi ni Dohawi?" napangiwi ako sa pangalan na sinambit niya. So Dohawi pala ang pangalan nung pinuno nilang 'yun.

MAKE ME PREGNANT (COMPLETED)Where stories live. Discover now