Chapter 51

30.3K 622 514
                                    

Atarah's POV

ALASDOS na ng madaling araw pero ang mata ko ay dilat na dilat pa rin. Gusto kong matulog pero hindi ko magawa dahil hindi mapakali sa text saakin mula sa unknown number na alam ko namang si Rare.

Gusto kong alisin sa utak ko ang text na 'yun pero hindi ko talaga magawa. Hindi ko naman nireplyan at wala talaga akong balak talaga replyan 'yun dahil sino ba siya para replayan ng isang babae na pinaglaruan niya.

Wala naman na naging kasunod ang text kaya siguro nga na wrong send llang siya. Bakit nga naman niya ako itetext? I'm not his baby anymore dahil si Akisha at Akeila na ang pamilya niya.

Pero bukod sa text niyang 'yun. Gumugulo rin saakin ang miserableng expresyon ni Rare nang magtama ang mata namin kanina sa presscon.
Parang noong nasa conference room kami ng foundation nila sobrang lamig ng expresyon niya pero nang magkita kami sa presscon parang umiiyaks siya. Guni guni ko lang ba ' yun?

Natama-an ba siya sa mga pinagsasabi ko nun sa media? Oh sadyang nagpapansin lang siya para guluhin muli ang buhay ko? Ang G-go niya pa rin hanggang ngayon kahit may pamilya na siya.

Kailangan ko ng matulog dahil pupunta kami sa DelaVeja Venuala. Ang main company/ business ng family namin na Manufactured Housing.

Gagawin na namin ang unang step sa pagpapabagsak ng Dela Veja. Bibili kami ng share sa company hanggang sa magkaroon na ng partnership sa pagitan ng DelaVeja Venuala at EastRodriguez parehong house manufacturing ang business.

Nag meeting kami kahapon after ng presscon sa isang private restaurant para sa plano namin tommorow dahil wala nga talaga akong alam sa business, hinayaan ko si Namuaco na ipaliwanag ang dapat gawin dahil siya ang nakakaalam. Sinabi niya na mahirap talaga makipagpartnership o makabili ng mga shares sa company ng Dela Veja dahil highend at hindi 'to pabor partnership 'to sa noon pa man.

Marami raw tao ang pilit na nagiimbita or naglalatag ng proposal sa DelaVeja pero tinatanggihan nito.
Ilan beses nagpadala ng sulat,email at nangungumbinsi ang EastRodriguez sa mga Dela Veja na pumayag sa offer nito sa pakikipag partnership ngunit hindi pumayag ang Dela Veja lalo pa talagang magkalaban sila sa house manufacturing business.

Kaya pinlano namin na, papalabasin na nag t-trabaho ako sa EastRodruguez bilang Vice President na baguhan palang kaya kagabi, nagsend agad kami ng wmail about partnership and buyin' a share to Dela Veja Venuala para maging board member and walang ano ano ay tinanggap nila ang invitation namin na magkaroon ng meeting bukas sa mismong Dela Veja Venuala.

Sabi ni Amirah, hindi ko naman daw kailangan mag work sa EastRodriguez bilang Vice President, pero kailangan ko lang pag aralan ang mga iilang business term at sa kung paano nagpapatakbo ng isang company ng maayos dahil tiyak gigisahin kami bukas.

Pero 'di ko naman kailangan mastress ng sobra dahil lagi naman daw akong sasamahan ni Namuaco at ni Amirah kapag nagkataon kaya wala akong dapat ipagalala lalo pa't si Namuaco at Amirah talaga ang gagawa ng mga move kung paano mapapabagsak ang Dela Veja samantalang ako ang mga gagamitin nilang pain para kumagat ang mga Dela Veja na guilty sa mga ginagawa namin.

Kahapon, sa presscon. Gustong gusto kaming lapitan ng family ko pero hindi nila nagawa dahil kinausap sila ni Amirah na h'wag manggugulo dahil baka makasama saaakin. Nakakatawa nga isipin ang mga ekpresyon nila noon kala mo talaga miss na miss ako at lungkit na lungkot sila sa nangyari saakin pero panigurado deep inside naiinis na 'yan kasi buhay ko. Tss.

Napasuklay ako sa buhok ko gamit ang kamay ko saka sumulyap sa natutulog kong anak. Pinakatitigan ko 'to at kahit talagang nakapikit 'to kamukhang kamukha niya si Rare.

MAKE ME PREGNANT (COMPLETED)Where stories live. Discover now