Chapter 48

32.3K 650 382
                                    

Atarah's POV

ILANG ARAW na ang nakalipas simula nang mapagtanto kong buhay ang anak ko. Sumaya ang puso ko nang malaman ko 'yun lalo pa't alam talaga ni Ranch ako ang tunay niyang ina niya kahit hindi ko siya naalagaan ng tatlong taon.

Kinukwento nga saakin ni Roks kung gaano talaga kagusto ni Ranch na lumapit saakin noong mga panahon na d-depressed ako pero hindi pwede kaya talagang habang nagkukwento saakin sina Aida, Roks and Amirah sa mga karanasan ni Ranch nang wala ako ay talagang naiyak ako ng sobra sobra. Ang sakit sa puso sobra, andami kong pagkukulang sa anak ko lalo pa noong mga panahon na nag s-suffer siya sa sakit niya kaya nga sisiguraduhin kong pupunan ko ang lahat ng pagkukulang ko sakaniya.

Thanks to Roks, Amirah and Aida dahil sila ang tumayong magulang kay Ranch habang ako ay wala dahil sa letcheng sakit ko.

Hindi ko akalain na nadepressed ako dahil sa maling impormasyon na binigay saakin. Pinangunahan ako ng takot at galit noon pero pinagtatakhan ko bakit ba nila sinabi na wala na ang anak ko? Talaga bang niloloko lang ako ni Nurse Joanne at ni Dra. Florely? Kung oo possible kayang hindi rin totoo ang mga sinasabi niya about kay Rare at sa pamilya ko?

Pero malabong mangyari na hindi totoo ang mga 'yun dahil mga may ebidensya siya at tama si Amirah possibleng mali ang ibinigay talaga sakanilang impormasyon dahil nga hindi naman sila 'yung pinaka nakahawak sa case ko parang nag a-assist lang sila doon. Naalala kong ang sinabi ni nurse Joanna at Dra. Florely noon na si Rare talaga ang totoong may hawak ng case ko kaya malaki ang posibilidad na pinagplanuhan niya lahat na ipalabas na namatay ang anak namin para mas mapariwara ang buhay ko at sinuwerte nga naman siya dahil nasunog ang hospital mas mapapabilis niya maipapalabas sa buong bansa na patay na ako nang sagayon ay mabuo na sila ng Pamilya niya. Akisha, Rare and Akeila.

Wow. 'Di ba?

Ano kayang magiging reaksyon nila kung buhay ako at ang anak ko? Hindi ko mapigilan hindi maexcite lalo pa't sa mga teleserye at libro ko lang nakikita saka nababasa ang revenge thingky na gan'to pero gagawin ko na rin dahil hindi maalis ang galit sa puso kong hindi ko 'to bubuhos sa mga tao naging dahilan nang paninigas muli ng puso kong wasak.

"Buti pa 'yang Anak mo Atarah mas magaling pa magsalita kaysa kay Dawina, English speaking pa eto naman kasing si Roks kinakausap lagi ng English si Ranch.." natawa naman ako sa sinabi ni Aida. Yes tama si Aida diretso na magsalita si Ranch kumapra kay Dawina at nakakapagsalita rin ng English na tama ang diction and pronunciation.

Nandito kami ngayon sa kubo namin ni Ranch habang masayang nilalaro ni Roks ang batang sina Dawina at Ranch sa papag na may malambot na kama samantalang kami ni Aida ay nakaupo sa upuang kahoy dito pa rin sa kubo habang nakamasid sakanila habang nagtatahi ng damit.

Nakakatuwa nga dahil may supply pa rin ng kuryente rito dahil 'yun kagagawan ni Roks. Siya ang nagbabayad ng bill dahil hindi pwedeng walang eletricfan si Ranch at kinakailangan rin na isaksak ang mga ginagamit na equipment incase na nagkaroon ng emergency kay Ranch.

Magkasama na kami ni Amirah and Ranch na natutulog ngayon sa kubong 'to. Niloloko nga ako ni Amirah gusto niya si Roks nalang dito kasama namin paea 'Happy Family' daw pero tumangi si Roks kasi alam niyang 'di ako komportable at baka mailang na ako lalo pa'y ngayon namulat na ang kaisipan ko.

"Gano'n lang talaga Aida. Problems developmental delays tawag sa gano'n. Many delays aren't serious pero may problem ba siya sa pandinig?" tanong ko pa habang nakatingin sa damit na tinatahi ko.

MAKE ME PREGNANT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon