Chapter 14

59.8K 1.2K 246
                                    


Atarah Klyte.

NAPAKAGAT ako sa labi habang nakatingin sa mga damit ko na nakalatag sa kama. Ano ba susuotin ko? Ano ba kasing klaseng date 'yung gagawin namin para alam ko kung anong damit Ibabagay ko.

Tok! Tok!

"Bakit?!" Sigaw na tanong ko habang nakahawak pa din sa chin ko at nagiisip kung anong bagay suotin.

"Seriously Atarah? You're not yet done?! "inis na sagot nito.

"Duh! Obvious ba?! 'Di ko alam susuotin ko, Ano bang date gagawin natin?" Lukot na lukot na ang mukha ko sa sobrang inis.

"Damn, just wear a dress not too short!" Puro siya d-mn! Hindi ba siya makapagsalita ng walang halong mura like f-vk, d-mn and sh-t.

"No way! Just wait ok? Malapit na din 'to!" Siraulo ata 'to. Dress not too short daw ano gusto niya hanggang paa?

"Fine! I need to go to my house first ok? So hurry up!"

"Oo na! Dun kana!"

"Tss." Sambit nito bago ko narinig ang yabag niya paalis. Napabuntong hininga ako at napakamot sa pisnge.

Kinuha ko nalang ang light pink na Korean midi summer short casual dress. Parang palda na may slit at top na spaghetti ang strap.

Pinatong ko ito sa katawan ko at nagpaikot ikot sa salamin upang tignan kung bagay saakin. "I'm so cute." Nakangising puri ko sa sarili ko.

Ok final eto na. Ipapartner ko nalang ang skintone Jonas ankle strap block heel sandals ko rito.

Mabilis kong sinuot ang dress at tinignan ko pa ulit ng sarili ko sa salamin bago ko sinumulan patuyuin ang brown na medyo wavy ko na hair.

Naglagay din ako ng light make up para mas maayos ang itsura ko. Ngumiti ako ng Pagkatamis tamis habang nakatingin sa salamin.

I'm so beautiful! Hihi.

Tumayo na ako at kinuha ang pouch ko kung saan nandun ang i-ilang pang retouch na make up, phone and money ko. Napatingin ako sa wrist watch ko its already 2:44 pm.

Napangiwi ako, dahil tanghaling tapat mag d-date kami? Kalokohan! Tss kaya lang naman ako pumayag na kasi wala naman na akong gagawin dito sa Condo dahil sa kagagawan ng Rare na 'yan.

Buset siya!

Lumabas na ako ng kwarto at Naabutan ko si Rare na hawak ang phone niya kaya kinuha ko agad ang atensyon nito. "Hoy tara na!"

"Really Atarah? 2:45 pm? 2hrs mahigit ako naghihintay!" 'di makapaniwalang sambit nito.

"Oh bakit ka galit, Kasalanan ko bang bigla bigla nalang magyaya ng date ha!" Sigaw kong pabalik rito. Hindi makapaniwala itong tinignan lanh ako at bumuntong hininga nalang dahil hindi siya mananalo saakin!

"Tss. Damn it. Haish! Let's go." Parang tanga kasalanan n'ya naman saka ayan nanaman 'yang D-mn niya!

Nauna na siyang naglakad palabas ng pad ko kaya napabusangot ako.

Nakakainis siya sagad!

"Hoy! Sa susunod masanay ka na saakin kung yayain mo 'ko ng date ha!" Inis na sambit ko saka siya padabog na sinundan.

MAKE ME PREGNANT (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя