Chapter 69

36.7K 833 283
                                    


Atarah's POV

GALIT na galit kong sinugod si Presh. Sinakal ko siya na may ngiti sakaniyang labi pero agad din naman akong nilayo ng mga tauhan niya sakaniya.

"Anong ginawa mo sa anak ko?!" galit na turan ko at pilit na pumupumiglas sa hawak ng mga tauhan niya.

"Hulaan mo kung paano siya namatay.." mapangasar na saad nito kaya nagsituluan ang luha ko habang nanginig ang mga labi ko dahil sa kawalang hiyaan niya.

"Papatayin kita!" galit na sigaw ko
dahil nagagawa niya pang matuwa na may napatay siya. Umiiyak akong sumulyap kay Aida na ngayon ay hawak na ni Amirah.

"Kapag nahulaan mo dadalhin kita sakaniya.." pinagtaasan niya ako ng kilay at binigyan ng nakaasar na ngiti.

Papatayin ko ang babaeng 'to. Pagbabayarin niya ang lahat ng ginawa niya saamin lalong lalo na sa anak ko.

"Bobo ka na ba talaga Presh?! Imbes na umalis na tayo nakikipag deal ka pa sa babaeng 'yan!" iritado na sigaw ni Amirah habang dinuduro duro ako kaya biglang nawala ang ngiti sa labi ng impaktang Presh na 'to.

"Madam, tama po si Ma'am Amirah, kailangan na nating makaalis dito. Masyadong marami ang mga kalaban! Delikado na po.." seryosong saad ng isang tauhan ni Presh.

"D-mn it.." napatingin ako sa frustrated na mukha ni Presh dahil sa nangyayari. Hindi ko rin naman aasahan na may plano pala sila Aida ng gan'to ang buong akala ko talaga ay katapusan na namin.

"Dalhin mo 'ko sa anak ko! Ano ba?!"masyado malakas ang mga tauhan ni Presh kaysa saakin. Lalaki sila na may malalaking katawanan.

Apat ang mga lalaking tauhan ni Presh ang nandito na kasama namin. Ang dalawa ay hawak ako samantalang ang dalawa ay malapit sa pwesto nina Aida.

"Magkikita naman na kayo sa langit kaya  h'wag kang magalala. Send my regard to your God.."

Napakawalang hiya niya talaga. Paano niya naatim na magsalita ng gan'yan bagay! Wala na siyang puso. Nalason na ng galit ang kabuuan niya.

"F-ck you bitawan mo 'ko!" marahan akong inilabas ng tauhan ni Presh sa kwartong pinagtutuluyan namin at
umalingaw ngaw na agad ang samut saring putok ng baril at bomba.

Napatingin ako sa suot kong lingerie dahil sobrang nilalamig ako pero hindi ko na muna ininda 'yun at sa halip ay iniisip ko kung saan ko makikita ang anak ko.

"Iiwan ko kayo dito! Kayo na ang bahala sa mga 'yan! Dumaan nalang kayo sa under ground basement! Aayusin ko ang lahat!" seryosong saad ni Amirah habang kinakasa ang baril at inaayos ang ear piece niya.

"Amirah! Hindi mo ba talaga kami tu-tulungan?!" galit na sigaw ko sakaniya dahil ang akala ko ay magiging kakampi na namin siya pero nagkamali ako.

Binigyan ako ng malamig na tingin ni Amirah. "Why would?" umirap siya saakin at kinausap ng mabilis ang mga lalaking may hawak kay Aida ngayon.

MAKE ME PREGNANT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon