Chapter 67

31.2K 633 237
                                    

Atarah's POV

MABILIS ang naging pagakyat ko sa hagdan at naglakad papunta ng kwarto ko. Pagpasok ko ay agad kong sinipat ang bawat sulok ng kwarto ko at natagpuan ko ang phone ko sa gilid ng lampshade.

Napataas ang kilay ko nang may notification na may nag email saakin pero hindi ko nalang 'to binuksan at dumaretso sa contact saka sinubukang tawagan si Amirah.

Ilang beses nag ring pero walang sumasagot. Mahigit sampung ringing ang phone ko pero hindi pa rin nito sinasagot ang tawag hanggang sa mag out of coverage.

Hindi pa rin 'to nagpapalit ng sim dahil ringing pa rin naman sa kabilang linya. So maaring matrack namin 'to dahil gamit niya pa rin naman ang dating phone number niya. Pero hindi naman sila Tanga eh lalong lalo na 'yang si Presh. T'yak alam nilang mat-track sila dahil sa number. So may mali, halatang sinadya nila na h'wag palitan pero bakit? Utos ba 'to ni Presh o sadyang si Amirah ang may kagustuhan para matrack namin sila dahil mabait na ito ngayon? Naguilty na ba siya sa ginawa niya or nalaman niyang sina Presh talaga ang may kasalanan bakit nagkaganon ang mga ninuno niya.

Samut saring dahilan ang pumapasok sa isip ko bakit 'di pa rin nagpapalit ng number si Amirah. Guilty lang ba siya at gusto niya ng mahuli sila o sadyang patibong lang 'to? Hayz ewan ko na! Ang sakit sa ulo!

Ilang minuto kong tinitigan ang phone ko at halos mabitawan ko pa 'to nang makita kong may nag pop up sa screen na 'Amirah is calling..'

Nanginginig ako nang pindutin ko ang answet button hanggang sa idinikit ko sa tenga ko ang phone.

[ Hello beautiful..]

"Presh.." napamura ako sa isip ko nang tawagin niya akong beautiful. F-ck shit siya, naloko niya ako sa patomboy acting n'yan 'yan pero ang totoo mas hindot pa siya kay Aliyah at Abigal.

[Ako nga, hindi mo ba ako namimiss?]

Nakakakilabot ang pasweet n'yang boses. Ang cringe na sabihan n'ya akong maganda dahil attracted siya saakin pero hindi pala ralaga saakin kung hindi kay Rare. Kaya siguro siya nag actress dahil sa galing umacting na hindot nito. Hindi naman kasi aakalain na may gusto pala talaga si Presh kay Rare sa sobrang galing niya umacting as inosente at lesbian.

I remember when we are in the El nido, harap harap naming lahat na nakikipagflirt siya sa mga babae dahil nga broken daw siya sa ex niya sa ibang bansa pero palabas lang pala lahat 'yun. Balak ko pa naman siya na ireto kay Kristan noon tapos obsessed pala kay Rare mabuti nalang 'di ko tinuloy.

"P-nyeta ka! Nasaan ang anak ko!" galit na sigaw ko. Naalala ko rin noong nagusap kami sa EL NIDO, sinabi niya saakin h'wag ako masyadong magtiwala sa mga tao. At sinabi niya rin na masyadong masikreto si Rare pati na rin ang pamilya niya kaya nagkaroon tuloy ako ng doubt kay Rare at mas nahubog ang hindi pagtitiwala kay Rare dahil sa mga sinasabi ni Presh.

[Ano ako Tanga? Hahaha ibahin mo 'ko sa tauhan kong mga bobo't tanga. Ang sinabi ko Atarah ang kuhanin pero ang bestfriend mo ang siyang kinuha nila. Mga inutil sila kagaya mo pero alam ko namang pakikinabangan ko ang kaibigan mo, bukod sa magiging pain ko sainyo mapagkakakitaan ko pa.]

MAKE ME PREGNANT (COMPLETED)Where stories live. Discover now