Chapter 52

25.6K 559 244
                                    

Atarah's POV


LUMABAS ako sa Comfort Room na hinahabol ang hininga ko.Napalinga linga ako sa paligid ngunit hindi ko na nakita ang body guard ko na kasama kanina. May dumaan na babae sa harap ko kaya agad kong tinanungan dahil gusto kong makalayo rito.

"Ate saan po ba ang ibang CR dito?" nanginginig kong wika kaya sinuklian niya ako ng nag aalalang expresyon.

"Dito sa kaliwala at pagkatapos kumanan ka." nagaalalang usal niya.

"Salamat." Mabilis akong tumakbo pakanan para pumunta sa ibang CR.
Wala na akong nilingon kahit sino at hindi ko na inalintana kung pinagtitinginan ako ng mga tao na nadadaanan ko dahil para saakin ang mahalaga ay makapunta ako sa CR para doon ko ibuhos ang lahat ng bigat sa dibdib ko.

Hindi rin nagtagal ay nakarating na ako sa Comfort Room. Nilibot ko pa ang paningin ko ngunit walang tao kaya agad kong nilock ang pintuan ng CR at pumasok na ako sa isang cubicle.

Parang biglang umatras ang ihi ko dahil sa nangyari kaya naupo nalang ako sa bowl at at doon nagiiyak habang nakahawak ako sa aking ulo.

Hindi ko akalain na kayang lumabas sa sarili kong bibig ang ganon klase ng mga salita. Ibang iba na ako at mapapasabi nalang talaga ako sa sarili ko na 'Hindi na ako ang dating Atarah..' pero kasi masisi n'yo ba ako kung nadurog na ang puso ko? Kung dalang dala na ako sa lahat nangyari kaya inalis ko na ang dating mahinang Atarah.

Pero bakit ngayon parang bumalik 'yung dating Atarah? Dapat si Rare ang masktan eh pero bakit ako? Bakit 'yung puso ko ang kumikirot? Bakit ako ang nanghihina. Dapat masaya ako kasi nasupalpal ko siya pero bakit hindi ko man lang magawang ngumisi or ngumiti man lang ng tipid.

"Bakit Atarah? Hindi mo pwede maramdaman 'to! Umayos ka, hindi ka na ang dating mahina na pwede nilang paglaruan! Dapat masaya ka sa mga ginagawa mo ngayon.." nanginginig na sambit ko saaking sarili.

Dapat galit ako at ang puso ko. dapat natutuwa ako kasi naapakan ko na ang ego niya pero bakit kasalungat ang nangyari. Bakit nanlalambot ang puso ko nang makita ko ang luha sa mga mata niya? Parang kakapusin ako ng hininga dahil lumuhod siya sa harapan ko.

Hindi ko akalain na magagawa na isang sikat at succesful surgeon na lumuhod sa maduming sahig ng CR. Bakit niya ba ginawa 'yun? Doon palang apak na apak na ang ego niya at bumababa ang pagkatao niya. Anong ibig sabihin nun? Bakit siya umiiyak? Bakit siya lumuhod? Bakit siya miseralable? Bakit hayok na hayok siya magpaliwanag saakin?

Gusto niya ba bilugin ang utak ko para magamit niya ulit sa mga plano niyang ikakasaya niya? T-ngina niya naman kung gano'n hindi na siya tumigil kakapanakit saakin. Jusko, pinanganal ba siya sa mundo para paulit ulit akong saktan?

Nagstay ako ng mahigit 20 minutos sa CR bago ako nakarinig ng katok sa mismong pintuan ng CR kaya lumabas ako sa cubicle at humarap sa salamin para mabilis na punasan ang tissue ang mga mata kong namamaga dahil kakaiyak. "Saglit lang.." sambit ko saka binuksan ang pinto at agad na tumambad saakin ang nagaalalang mukha ni Roks.

"What happened?" agad niya naman akong kinulong sa bisig niya at hinahaplos haplos ang likod ng ulo ko.

"Nagkasagutan kami ni Rare.." nangining kong wika kaya kumalas siya sa yakapan namin at hinaplos haplos naman ang pisnge ko habang tinitignan ang kabuuan ko.

MAKE ME PREGNANT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon