Chapter 50

35.5K 649 416
                                    

Atarah's POV

NAKANGITI ako na parang aso ngayon sa kaharap kong mga lalaki habang sa baba ng lamesa ay hawak hawak ko ang kamay ni Roks dahil nanginginig ang kamay ko dahil sa sakit at galit na nararamdaman ko.


Hindi ako makapaniwalang magkaharap na kami ng lalaking naging dahilan kaya naging miserable ang buhay ko pati narin ang anak namin.

Binabantayan ko ang mga expresyon ni Rare pero hindi ko 'to mabasa dahil sobrang blanko ng expresyon niya. Kabisado ko si Rare alam kong magaling siya magtago ng emosyon pero kanina nang binigkas niya ang 'Mr. at Mrs. Montego' ay parang sobrang nasasaktan 'to pero siguro nga guni guni ko 'yun dahil naman 'di naman siya masasaktan baka matakot oo posible dahil ang babaeng sinaktan, pinaglaruan at pinalabas niyang patay na ay kaharap niya ngayon.

"So let's start.." napatingin ako sa nagsalitang si Roks kaya tumango at alp ngumiti ng matamis sa mga kaharap. Kung magaling si Rare magtago ng emosyon, ako ay magaling umarte kayang kaya ko magbait baitan sa harap nila kahit ang totoo gusto ko na silang patayin.

Habang nakatingin sa mga kaharap ko ay hindi ko maiwasan mapuna sila na talagang malaki ang pinagbago. Both Kenji and Rare developed a mature lean body with muscle. They look more handsome with their corporate attire. Mas matingkayad ang kulay gatas ni Kenji parehong pareho sila ng kulay ni Ranch.

Proud Ex Girlfrend/Toy here! Dahil akalain mo nga namang pinagpala pa ng Diyos ang mga katulad na G-go at walang hiyang si Rare. Succesful na talaga siya lalo, He owned the AKG General Hospital at AKG Charity Foundation. I bet AKG stands for Akisha Klayne Grison. How sweet lover naman pala ang G-go. Pinangalan niya pa sa mahal niya ang mga naging succes niya.

Bakit ko nga ba aasahan na hindi siya magiging succesful at mapapariwara ang itsura niya dahil lang sa nawala kami ng anak ko sakaniya. Tss. Sino ba ako, hamak na laruan at parausan lang ako.

Talagang nag g-glow up siya nang gan'to kagwapo dahil may anak at asawa na siya na tyak todo suporta sakaniya I wonder kung ilan na kaya ang anak nila ni Ate. Nagpakasal na kaya sila? Bakit nandito sila nag stay sa Pilipinas? Natanggap na ba sila ng Pamilya ko dahil patay naman na ako. Wow good for them pero poor Charl, pagkatapos gamitin itatapon nalang.

"Why are you donating anyway? It is for the poor or for your own sake, para mapabango at sumikat ang pangalan nyo.. " nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi ni Rare. Diretso ang tingin niya saakin habang naka eye glass siya at napakagat ako saakin labi nang mapansin ko na parang paga ang mata niya? Umiyak ba 'to, puyat o kinagat ng ipis pero ano nga ba pake ko.

Ang unang step na ginawa namin para sa paghihiganti ko kay Rare ang pag dodonate ng pera sa Foundation na pagmamayari niya nang sa gayon ay maging member ako nito at magawa ko na ang susunod na plano para mapagbasak ang foundation na 'to dahil alam kong mahalaga 'to sa buhay niya katulad ni Akisha at Akeila.

Nagpakawala ako ng malalim na paghinga saka ngumisi ng malaki sakaniya at nilabanan ang mapanukso niyang titig. "I don't like the way you talk Mr. Grison. Bakit mo kami kailangan pang kwestiyunin? Naka ooffend ang gan'yang tanungan and I honestly offended Mr.." maanghang kong sambit kaya mas dumilim ang paninitig niya at pinagalaw niya ang panga niya.

"Ath---I mean Mrs. Montego, madalas kasi namin tinatanong ang mga gan'yan. Gusto naming malaman kung mabuti ba talaga an-----." napasulyap naman ako kay Kenji na ngayon ay namumutla na kaya mas napangiti ako ng nakakainis.

MAKE ME PREGNANT (COMPLETED)Where stories live. Discover now