Chapter 31

44.1K 932 354
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.





Atarah's POV

MAY Glass na nakaharang sa pagitan namin at nung CT scan machine kung nasaan si Adier. Ang kwartong 'to ay halos kapareho lang talaga ng kwarto sa hospital kung nasaan ginagawa ang mga CT SCAN session.

"He's sleeping, pinilit niyang matulog para mabawasan ang takot niya. Gad I'm so proud of him." masayang sambit ni Doctora.

Nakatitig lang ako sa machine habang kinakagat ang labi ko. Napangiti ako ng tipid dahil kahit paano ay gumawa siya ng paraan para matakasan ang takot niya.

Tok! Tok!

"Atarah pakisuyo nga. At pakisabihan h'wag mangistorbo." iritadong sambit ni Doctora habang nakaupo sakaniyang swivel chare at nakaharap sa comuputed temography computer nito para malaman ang resulta at macheck.

"Sige po." nagtiim ang bagang ko dahil baka makita ko na naman ang mapagpanggap na si Rare.

Kanina kasi nang makita ko siya ay hindi ako nagsalita at nagpanggap nalang akong hindi ko siya nabuko at nakilala. Sinarado ko agad ang pinto nun at hindi na muna siya kinompronta.

Lumapit at binuksan ko ang pinto pero agad akong napaatras at napanganga ako nang makita ko kung sino ang nasa pinto ngayon.

Nagtama ang aming paningin. Wala akong nakitang kahit anong expresyon sakaniya. Bumalik na muli ang dati niyang buhok. Hindi na mahaba kung hindi ang clean cut niyang bagay na bagay sakaniya. Wala na rin siyang suot na itim na sunglasses kaya kitang kita ko na ang mapangakit niyang mga mata. Naka black polo shirt and nakapantalon pa rin siya katulad ng kanina niyang suot.

Deym, bakit ang hot ng Doctor na 'to sa kahit anong suotin niya. Tao ba talaga 'to? Nagpapangap lang din siya mortal? Like duh! Greek god talaga ang isang 'to eh?!

"What are you doing here?" madiin kong tanong binigyan niya lang ako ng ngisi na nakakainis kaya mas nanggalaiti ako at parang gusto ko nalang siyang hilain sa labas at kurutin sa tagiliran.

Ang kulit..kulit talaga. Hayz.

"Atarah, Can you please close the door? Sino ba 'yan. I can't focus.."  rinig kong tanong ni Doctora. Ginalaw ko ang kilay ko at tinaas 'to kay Rare.

"Uhh--." hindi ko na magawang sagutin si Doctora sa naging tanong niya dahil sobrang na d-distract ako sa lalaking kaharap ko.

"Bakit ba ang kulit mo? 'Di ba sinabi ko sa'yo na h'wag mo 'kong sundan.." madiing wika ko kay Rare pero nginisian at pinagtaasan niya lang din ako ng kilay.

MAKE ME PREGNANT (COMPLETED)Where stories live. Discover now