Chapter 59

26.3K 581 182
                                    


Atarah's POV

HALO halo ang emosyon ang nararamdam ko habang pasakay ako sa kotse ni Roks pero mas nananaig ang pagkamuhi at galit ko sa katawan na mas ginising nang marinig ko ang sinabi ni Roks na nahuli na daw nila si Dra. Florely Daez.

"Klyte, you sure? We'll leave Ranch to your friends?" seryosong tanong nito habang pinagbubuksan ako ng pintuan sa front seat.

"Yes, I trust them and besides marami namang body guards eh, mas hassle kung pababalikin pa natin si Aida.." saad ko dahil iniwan nga namin ni Ranch kay Mikee at Kristan dahil alam kong mapagkakatiwalaan ko sila bg tunay saka isa pa gustong gusto ko na talaga malaman ang lahat ng katotohanan ngayon mismo.

"Yeah right.." sambit niya nalang bago naman siyang sumakay sa driver seat habang pinapagalaw ang panga niya.

"And how about Amirah masisiguro ba ng tao mo na hindi siya pupunta ng hospital habang wala tayo?" nagaalala kong sambit dahil baka biglaan na pumunta si Amirah sa hospital nang wala kami.

"Yes Klyte, kung maari kidnapin nila para lang h'wag maka punta ng hospital.." seryosong saad nito habang inistart na ang makina ng kotse niya kaya bumuntong hininga ako dahil naniniwala naman ako kakayahan at palano ni Roks.

"Sige, nasaan ba n'yan si Dra. Daez?" tanong ko habang isinusuot naman ang seatbelt.

"She's in the head quarter ng branch dito ng Montego Inteligence security.." tumango nalang ako at 'di na nagsalita pa.

Ang daming naglalaro sa isipan ko. Andaming tanong na gusto ko na agad na masagot. Nasaan si Rare? Bakit ginagawa ni Dra. Daez? May galit ba siya sa pamilya namin? Siya ba ang Manipulator? Magkasabwat ba talaga sila ni Amirah? Si Adier at Aliyah kaya kasamahan nila? Ano ba talaga ang totoo? Anong gusto nila mamgangyari?

Buong byahe ay hindi ako nagsasalita.
Hindi naman na ako ginulo at kinausap pa ni Roks dahil alam niyang kailangan kong magisip isip ngayon.Nakatulala lang ako sa labas ng bintana habang iniisip ang mga maaring susunod na mangyayari.

Napatingin ako sa kamay ko na nanginginig dahil sa sakit at galit na nararamdaman ko. Napakagat ako sa labi nang tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

F-ck Atarah, h'wag kang iiyak! Stop being weak. Kailangan maging matatag ka sa mga sitwasyong ito lalo pa unti unti mo ng nalalaman ang katotohanan.

Lumipas ang apat na pung minuto ay nakarating na kami sa headquarter ng Montego inteligence security agency. Gusto ko mamangha sa kagandahan ng labas ng building na ito dahil puro salamin ang nakikita ko at modern design talaga ang buong building.
Mapapanganga ka nalang talaga sa nakakita paano pa kaya kapag pumasok ka sa loob at pumunta ka sa pinaka main quarter ng Montego Inteligence security agency dahil head quarter lang 'to ng branch na nandito.

"Let's go.." saad niya at hinawakan ang kamay ko saka iginiya sa pagpasok namin sa maindoor kung saan parang may lazer na ini-scan ang katawan namin at nag ma scan ang buong katawan ko ay biglang nag green ang lazer at automatic na bumukas ang glass door kaya pumasok na kami pero biglang may sumalubong saamin.

"Roks." dumako ang paningin ko sa nagsalita na babae na may kulay abo na mata katulad ng kay Roks habang nakacross arm. Parang tinanned ang makinis niyang balat at matangkad din siya pero hindi kasing laki ni Roks. Mga nasa 5'9 lang siguro siya.
may buhok 'tong hanggang bewang na itim itim at sobrang straight.
Napakagandang babae para bang girl version ni Roks. Kaso halatang masungit at strikto ang mukha

MAKE ME PREGNANT (COMPLETED)Where stories live. Discover now