Chapter 5

68.4K 1.6K 219
                                    

Atarah Klyte

"BUT how?" tanong ni Ate. Eh, bakit gusto niya pa malaman? Masyado siyang kuryuso, ano 'to nagseselos ba siya? Tss.

"Ask her." nakangising sambit ni Rare. Ah! Naiinis ako sa ngisi niyang 'yan. Asar na asar ako.

"Gotta go, pakisabi nalang kay Daddy. Nahihilo kasi ako ih." sambit ko nalang kay Ate Akisha at hindi sinagot ang tanong nito. Napansin ko ang pagtaas ng kaliwang kilay ni Rare pero hindi ko na rin ito binigyan pansin at nagmadali akong umalis doon pero bago pa ako makalayo sakanila ay narinig ko pang nagsalita si Rare.

" I'm an exchange Doctor. I'm working at St Calisha as of now, and beside your sister is a close  friend of mine." what? I know him daw kasi sobrang close namin?! At wait, Oh my god! Mukhang namukhaan niya ako sa hospital kasi nabangit niya nga 'yung St. Calisha.

Napailing iling ako at halos tinakbo ko na palabas ang hotel. Nang makalabas na ako ay agad akong dumeretso sa parking lot.

Nagmamadali akong kinalkal sa bag ko ang car key ko. At nang makita ko na ito ay bigla ko naman naramdaman na may kumikiliti sa paa ko kaya napatingin ako.

"WHAAAA!!!" hiyaw ko. Natataranta akong tumakbo at nagtatalon. Nabitawan ko na rin ang mga gamit ko.

May daga! Daga! Sh-t!

Dahil sa pagkataranta ko ay bigla akong natapilok. Ipinikit ko ang mata ko dahil hindi ko na mabalanse ang katawan ko at kahit ano mang oras ay posibleng bumagsak ako pero nagkamali ako dahil naramdaman kong may sumalo saakin.

Dinalat ko ang mata ko saka ako napapout at umiyak na ng tuluyan. OA man pero hindi ko maiwasan hindi maiyak dahil doon sa pesteng daga at dahil narin siguro sa sakit ng paa ko na  natapilok.

"Hey shhh, stop crying." sambit ng sumalo saakin. Kahit nanlalabo ang paningin ko ay alam kong si Rare ang nakasalo saakin.

Naramdaman kong lumutang ako sa ere na ang ibig sabihin ay binuhat niya ako na parang bagong kasal.

"What happened?" hindi ako sumagot hanggang sa naramdaman kong inupo niya ako sa isang upuan.

"What happened?" nilapit niya ang mukha niya saakin at pinunasan ang luha ko gamit ang panyo niya na nilabas niya mula sa suit niya.

Napatigil naman na ako sa pagiyak dahil nararamdaman ko na ang matinding pagkailang. Narealize ko lang, bakit ba siya nandito?

" 'Y-yung daga." nauutal kong sambit dahil ramdam na ramdam ko na ang hininga niya sa mukha ko.

"Uhm, lean on me ." ewan ko kung bakit ko sinunod ang sinabi niya, sumandal ako sa bench na 'yun. Nilayo niya na ang mukha niya sa mukha ko at itinaas nito ng bahagya ang paa ko. Ipinatong niya ito sa hita niya at dahan dahan niyang inalis ang suot kong hills.

"Tiisin mo, masakit sa una pero masarap naman na sa huli." husky na sambit nito

"Ha?" gulat na tanong ko dahil feel ko may iba pa siyang ibig sabihin! Ang manyak!

"Lol." nakangisi siyang umiiling Kasabay ng Dahan dahan niyang pagmasahe sa Paa ko.

"A-aw-O-ouch." mangiyak ngiyak na daing ko.

"Pardon me, I'll be gentle." halos mabilaukan ako sa sarili kong laway dahil biglang nag F-flashback sa utak ko ang mga nangyari saamin.

AHHH! Bakit ang berde ng utak ko. Urgh! Sige self, sino manyak sainyong dalawa ha?

Napapikit ako ng mariin dahil sa sakit na nararamdaman ko mula sa pagkamasahe nito, Ilang minuto pa ang nakalipas bago ito napalitan ito ng sarap-- I mean gumaan na ang pakiramdam ko.

MAKE ME PREGNANT (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz