Chapter 56

25.9K 590 186
                                    

Atarah's POV

ILANG oras kami nagb-byahe ni Roks at nakarating kami alas tres na ng hapon sa condo nito kasi talagang malayo ang Cam Sur dito.

"Mama!"  salubong nang anak ko habang patakbo papunta saakin  pagkapasok pa lang namin sa pintuan ni Roks.

"Baby, I miss you.." malambing kong sambit at hinalikan ang buong mukha ni Ranch.

"Where did you go? Bakit hindi n'yo po ako sinama ni Papa.." malungkot na saad niya. Namumula ang kaniyang ilong at pisnge halatang kagagaling sa iyak nito.

"Nag date nga kasi sila hahaha. Want mo na ba ng kapatid?" sabat ni Amirah na ngayon ay nakaupo sa sala.

"Shut up, Amirah.." bawal ni Roks sakaniya at kabiglaan nalang nabuhay ang galit sa sistema ko nang marinig ko ang boses niya.

"Oh my god Roks, badtrip ka? 'Di ka ba nakascore mahina ka talaga!"bumigat ang paghinga ko saka sumulyap kay Amirah saka pinigilan kong samaan siya ng tingin dahil magtataka siya ay maghihinala.

"Amirah, may mga bata tumahimik ka nga.." suway ni Aida bago lumingon saakin na mukhang kakatapos lang magluto. "Ang hirap patulugin ni Ranch kagabi umiiyak kinabahan ako syempre baka baka atakihin na naman ang sakit niya.."napabuntong hininga ako at sinulyapan ang anak ko.

"I thought you're big boy na Anak? Why did you cry, I told you we soldier don't cry.." malambing na saad ni Roks saka kinuha sa bisig ko si Ranch.

"I just miss you and Mama." nakangusong saad ni Ranch kaya napangiti ako.

"Aw, kiss Mama."  sambit ko at inilapit ang mukha ko sa labi niya na hinalikan niya naman ng marami.

"Kiss papa too!" usal naman ni Roks  kaya siya ang hinalikan ni Ranch. Ang sweet niya. Paano kaya kapag nagkita na sila ng tunay na ama niya.

"Kumain na ba kayo? Nagluto ako ng miryenda." tanong ni Aida na kalalabas lang ng kusina.

"Ah oo, nabisita rin kasi kami sa bahay ng pinsan niya.." sambit ko saka ngumiti ng hilaw kay Aida saka sumulyap kay Amirah nanonood ng TV.

"Talaga ba? Wow! Ikaw Atarah ha lumelevel up na talaga kayo.." sambit ni Amirah at tumingin saamin kaya ngumiti ako ng mas hilaw pa sa hilaw. Plastic inshort. "What next? Sa parents naman? Hahaha. Kailangan naman kaya?" panga asar pa ni Amirah kaya sumulyap ako kay Roks na nakakatitig saakin at bimabantayan ang galaw ko.

"Soon, after all your plans. I want to settle with her in Europe.." malambing na saad ni Roks kaya nagulat ako pero itinago ko 'yun dahil umaacting nga pala kami.

"Omg? Kayo na?" gulat ng impaktang si Amirah. Tuwang tuwa siya, kala mo talaga totoo. Impaktita siya.

"Ofcourse, I surprised her last night." malamig na wika ni Roks sakaniya saka naglakad  iyopaupo ng couch habang buhat pa rin si Ranch.

MAKE ME PREGNANT (COMPLETED)Where stories live. Discover now