Chapter 40

44.2K 716 172
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



Atarah's POV

HINDI nyo ko masisi kung nag over acting ako at nagconclude ako kaagad kasi naman ganoong ganoon ang nangyari saakin, kay Charl at Ate. Nahuli ko muna sila noon na nag d-date sa isang restaurant bago nila inamin ang lahat saakin na may relasyon na sila.

Pinangunahan ako ng takot at galit ko na baka maulit lang muli lahat ng sakit na nararamdaman ko pero ngayon unti unti akong natuto kasi alam kong mali ang ginawa kong panghihinala sakaniya. Dapat alamin ko muna ang lahat bago ko ibuhos lahat ang galit ko. Kailangan kong macontrol ang emosyon ko at h'wag maging padalos dalos sa lahat ng gagawin kong aksyon at desisyon.

Alam kong masakit rin sa part niya ang ginawa ko kasi pinaghinalaan ko siya, nagalit ako sakaniya, at hindi ako nagtiwala gaya ng ipinangako ko. Kaya eto hindi na ako nag pabebe pa at nakipagbati nalang sakaniya dahil alam ko naman ako ang may kasalanan kaya ngayon eto hiyang hiya na ako sakaniya.

Natapos siyang magpaliwanag kanina at kumain na kami ng breakfast pero hindi ko siya magawang tapunan ng tingin at kung kakausapin niya ako ay ang tipid ng sagot ko.

"Baby, look at me.." hinawakan niya ang pisnge ko at hinarap sakaniya. Pareho kaming nakaupo sa kama niya. Siya naka indian seat samantalang ako ay nasa gilid ng kama habang nakadawdaw sa lapag ang paa ko.

"Gusto ko na umuwi.."sambit ko saka nakatitig sa mga picture frame kung nasaan ang picture namin dalawa sa Daet at mga picture ko.Nakakatuwang isipin na wala na ang mga litrato ni Ate at napalitan na nito ng akin.

"You don't want to meet them?"malambing na tanong nito habang pinapadausdos ang ilong sa pisnge ko.

"Nahihiya ako.." bumuntong hininga ako saka hinarap ito at ngumuso ako.

"You don't need to be shy baby. You're more beautiful and better than them.." napabusangot naman ako dahil sa panguuto niya saakin.

"Alam ba nilang pinagkamalan ko silang babae mo?" nahihiya kong tanong saka iniwas muli ang tingin sakaniya pero bago ko tuluyan naiwas ay tumango siya saka ngumisi.

"Yes master.." malokong sagot nito.

"Ih, ayoko na talaga!"sambit ko saka tinakpan ang mukha ko gamit ang palad ko.

"Its that what you want? Then ok let stay here and cuddle all day."
hinila niya ako pahiga sa kama niya at niyakap saka inamoy amoy ang leeg ko.

"Ih, Rare nakikiliti ako!" mas siniksik niya ang mukha niya sa kili kili ko at kiniliti ang leeg ko.

"Rare---HAHAHAHA t-tama na HAHAHAHAHAHAHH." hinang hina ako sa ginagawang pagkiliti nito sa leeg ko at para akong uod na masyadong magaslaw dahil sa ginagawa nito.

MAKE ME PREGNANT (COMPLETED)Where stories live. Discover now