Chapter 57

26.5K 582 133
                                    


Atarah's POV

TUMAGAL ang titig ko kay Mikee habang naguunahan na bumaba ang mga luha ko sa pisnge ko kaya pinagtaasan niya ako ng kilay at inirapan.

"Ano tutunganga ka nalang d'yan? Ayaw mo? Tataasan mo pa ang pride mo?" mataray na sambit niya kaya napabuntong hininga ako saka napasulyap kay Roks.

"Let's go.." sambit ni Roks saakin saka hinahawakan niya ang kamay ko kaya hinayaan ko nalang siyang tangayin ako.

"Dito nakapark ang kotse ko.." ang bigat ng puso ko at parang gusto ko nang bumigay dahil sa balita ni Roks.

Panginoon ko, Hindi naman siya mawawala saakin diba? Sandaling panahon ko palang siyang nakakasama eh. Hindi siya pwedeng mawala kasi bubuin ko pa ang pamilya namin, sasabihin ko pa sakaniya kung sino ang tunay niyang ama.

Nang makarating na kami sa parking lot ay tumapat kami sa isang BMW na sasakyan. "Sige na d'yan na kayo pareho sa likod , daluhan mo ang asawa mo Roks.." seryosong saad ni Mikee at pumasok sa driver seat samnatalang pinagbuksan ako ni Roks ng pintuan sa backseat at inalalayan na makapasok.

Hinang hina ako at patuloy ang pagiyak ko habang nasa bisig ako ni Roks. "Hindi naman mawawala ang anak ko 'diba.." nanginginig kong saad

"No Klyte, Ranch is a strong boy and you know that.." sambit ni Roks saka inaalo ako habang hinahagod hagod ang likod ko.

Alam kong malakas ang anak ko dahil sa loob ng siyam na buwan sa sinapupunan ko kahit anong nangyari saakin ay hindi siya bumitaw at sa paglabas nito sa mundo sinalubong pa siya ng samu't saring sakit. Buong tatlong taon nilalabanan niya 'yun ang kaso paano kapag hindi niya na kayang lumaban? Paano kung napagod na ang anak ko.

"Saan bang hospital?" tanong ni Mikee kay Roks.

"AUF.." tipid na sambit ni Roks habang nasaakin ang atensyon nito.Inistart na ni Mikee ang sasakyan at nakikita ko pa ang pasulyap sulyap niya sa rear mirror at halata ang matinding pagaalala niya saaki. "Sino bang nagsabi. Sino kasama ni Ranch sa hospital ngayon?" napipiyok kong saad dahil sa matinding paghikbi ko.

"Aida. He had difficulty in breathing again, his nose bleed and suddenly he loss his consciousness.." bumigay ako at napasandal ako nng tuluyan sa braso niya habang lumalakas ang iyak ko. "Anak ko.." nanginginig kong saad.

"Shh, He will be ok Klyte, God has a plan. We need to trust and believe at him.." napatango tango nalang ako hanggang sa buong byahe ay umiiyak lang ako.

Hindi ko kakayanin kapag nawala ang anak ko. Feeling ko mad-depress na naman ako kapag nangyari 'yun. Tuluyan ng masisira ang buhay ko kapag nawala pa sa piling ko ang anak ko na siyang buhay ko.

After 15 minutes, nakarating na rin kami sa AUF. Hindi na ako naghintay na paguksan ni Roks ng pintuan. Lumabas agad ako sa sasakyan at 'di ko na sila hinintay at nagmadaling tumakbo papasok ng hospital.

"Atarah!" sigaw ni Mikee pero hindi ko 'to nilingon at patuloy ang takbo ko sa loob hanggang sa makarating ako sa nurse station. "Nasaan ang anak ko? Ranch Aberrant Montego!" nanginginig kong wika sa nurse na kaharap ko.

"Ma'am nasa ER po, kumalma po muna kayo he's und----." mahinahon na sambit niya pero pinutol ko na ang sasabihin niya.

"Nasaan ang ER?!" hindi ko na nakontrol ang emosyon ko at sinigawan ko na siya dahilan para pagtinginan na ako ng mga tao.

"I'm sorry for her behavior, ou son was in critical situation.." paumanhin ni Roks sa nurse habang dinadaluhan ako.

"Uh--o-k lang sir naiintindihan ko po. Doon po sa dulo ang ER.." nauutal na sambit ng nurse habang nakatitig lang 'to kay Roks.

MAKE ME PREGNANT (COMPLETED)Where stories live. Discover now