Kabanata 43

89 4 0
                                    

Kabanata 43

Ring finger

Scarlet's POV

Pinikit ko ng mariin ang aking mata bago huminga ng malalim. Kinuha ni Aiden ang cellphone ko kaya isang linggo ko nang hindi nakakausap si Xian. Hindi rin ako mabisita ni Stacey at nila Leandro dahil sinabihan n'ya ang mga security guard na nakabantay sa labas na 'wag sila magpapapasok ng ibang tao.

I feel like I'm in prison— no, I'm in hell!

Dumilat ako nang marinig ang pagbukas ng pinto. Hindi ko maitago ang pagkamangha habang nakatingin sa secretary ni Aiden. She looks professional with her corporate attire. Her brown curly hair bounced as she walked towards me. Umayos ako ng upo bago s'ya ginawaran ng matamis na ngiti. Kung katulad n'ya ang magiging secretary ni Xian... he might forget me easily.

Nilapag n'ya sa mesa ang hawak n'yang paper bag. Walang kahit anong lumabas sa kan'yang bibig. Malamig n'ya akong sinulyapan bago tumalikod. Hindi ito ang unang beses na nagkita kami dahil s'ya ang palagi kong kasama sa tuwing may biglaan na meeting si Aiden at naiiwan ako mag-isa sa restaurant na kinakainan namin. Gumagawa ako ng paraan para humaba ang usapan namin ngunit palaging maiikling salita lang ang sinasagot n'ya sa mga tanong ko.

I cleared my throat before spilling words and open a conversation with her. "How's your day?"

Tumigil s'ya at nilingon ako. "Fine."

Mahinang tawa ang pinakawalan ko dahilan ng pagkunot ng kan'yang noo.

"I have no time to joke around, Miss Collins." Tinapunan n'ya ako ng malamig na tingin. "Just call me if you need something." Yumuko s'ya ng bahagya. "I'll go ahead."

Nakaawang ang labi ko habang nakatingin sa pinto. Sunod-sunod na iling ang ginawa ko bago dinampot ang nilapag n'yang paper bag. Ilang beses ko nang sinabi kay Aiden na 'wag n'ya na ako bilhan ng damit dahil hindi ko naman ito sinusuot pero patuloy n'ya paring inuutusan ang secretary n'ya na dalhan ako. Binalik ko ito sa mesa at naglakad patungo sa kusina.

Napatigil ako sa paghihiwa nang pumalibot sa paligid ang sunod-sunod na tunog ng door bell. Nakakunot ang aking noo habang tinatahak ang pinto. Alam naman ni Aiden ang passcode nito kaya bakit pa s'ya nag do-door bell? Mistula akong napako sa aking kinatatayuan nang masilayan ang mukha ni Xian. Mainit na likido ang dumampi sa aking balat. Sumikip ang dibdib ko. Hindi ako makahinga ng maayos dahil dito.

"Anong nangyari sa mukha mo?" garalgal kong tanong.

Puno ito ng pasa. May nakadikit na band-aid sa tuktok ng kan'yang ilong. Parang hinihigop ang aking lakas. Pinilit n'yang umukit ang ngiti sa kan'yang labi. Pumalibot sa bewang ko ang matipuno n'yang braso ngunit agad ko itong inalis. Hinila ko s'ya papasok at agad na sinara ang pinto.

"Baby, hindi ka ba masaya na nakita mo ako?" tanong n'ya sa aking likuran.

Malalim na hinga ang hinugot ko habang patuloy na tumutulo ang aking luha. Humarap ako sakan'ya. "Masaya..." naglandas ang kamay ko sa kan'yang pisnge, "pero hindi ganito, Xian." Sunod-sunod na iling ang ginawa ko. "Mas gugustuhin ko pang hindi ka makita kaysa masilayan ulit ang mga pasang 'yan sa maganda mong mukha."

Hinawakan n'ya ako sa braso at hinila palapit sa kan'yang dibdib. Hinayaan kong kumawala ang hikbi sa bibig ko habang nakasiksik ang mukha rito.

"Hiniling ko na sana hindi na ulit magasgasan ang mukhang halos minu-minutong pinupuri ng aking isip." Humugot ako ng malalim na hininga. "Bakit hinayaan mong—"

"Shhh, it's okay. I'm fine. Please, stop crying... I can't breath properly."

Mariin kong kinagat ang aking pang-ibabang labi para pigilan ang likidong tumutulo sa aking mata. Pinunasan n'ya ang luha ko nang magkalayo kami.

Another Way Of Bullying (Montealto Series I)Where stories live. Discover now