Kabanata 22

122 6 0
                                    

Kabanata 22
Expectation 

Scarlet's POV

Umuwi rin kaagad si Xian kagabi nang tumila ang ulan. Alas d'yes na ako nakatulog dahil tumawag si Aiden. Kumunot ang noo ko nang mapatingin sa calling card na hawak ni Stacey. May logo ng kamao ang likuran nito.

"Mag t-train ka ng boxing?" pagbibiro ko.

Umiling s'ya bago ito pinasok sa bulsa ng suot n'yang palda. Tumango lang ako at binalik ang atens'yon sa hawak kong libro.

"Binu-bully ka parin ni Xian?"

Inangat ko ang aking ulo para masilayan ang mukha n'ya. Hinahangin ang nakalugay n'yang buhok kaya napunta ang ibang hibla ng bangs n'ya sa gilid. Tumingin muna ako sa paligid ng hardin para masigurong walang nakakarinig sa pinag-uusapan namin. Mabuti nalang at kaming dalawa lang ang nandito.

"Pumayag akong maging model ng magazine n'ya."

Kumunot ang kan'yang noo.

"Pagkatapos ng isang linggo titigilan n'ya na ako."

"'Wag kang mag-alala, makakaganti rin tayo kay Xian." Sumilay ang ngiti sa labi n'ya. "Hindi ko hahayaan ang pangba-baboy sa'yo ng lalaking 'yon."

Nilapag ko sa batong mesa na nasa harapan namin ang aking hawak. "Kahit kailan hindi ko naisipang maghiganti." Malalim na hininga ang hinugot ko. "Dahil alam kong darating ang araw na magsisisi s'ya sa mga ginagawa n'ya sa'kin."

"Pa'no kung hindi dumating ang araw na 'yon?" Tumaas ng bahagya ang isang kilay n'ya ngunit agad din itong bumaba. "'Wag na natin s'ya pag-usapan, baka mag-away pa tayo."

Umiling nalang ako at kinuha ang libro. Parang may nagbago sakan'ya. Hindi na s'ya katulad ng dati na lahat kinu-k'wento sa'kin. Marami na s'yang tinatago, isa na 'yong kay Sam. Magkasabay silang pumasok kanina pero ni-hindi manlang n'ya sinabi kung bakit kasama n'ya ito. Napabuntong hininga ako nang maisip na kahit ako ay gano'n rin. Naglilihim ako sakan'ya lalo na pagdating kay Xian.

Napatingin ako sakan'ya nang tumayo s'ya.

"Magkita nalang tayo mamaya," malamig n'yang sabi bago sinukbit sa balikat ang itim na tote bag.

Tumango lang ako at binalik ang atens'yon sa hawak na libro. Napahinto ako sa pagbabasa nang makarinig ng ungol. Tinaas ko ang aking ulo para hanapin kung saan nanggagaling 'yon. Sa dinami-daming lugar dito pa nila naisipang gawin ang bagay na 'yon. Napako ang atens'yon ko sa dalawang stud'yante na malapit sa puno. Nakasandal dito ang babae habang nakikipaghalikan. Hindi ko makita ang mukha n'ya dahil nakaharang ang likod ng lalaki.

Bumilis ang pagkabog ng dibdib ko nang masilayan ang mukha ni Maxine. Kinukumbinsi ko ang aking sarili na hindi si Xian ang kahalikan n'ya kahit alam ko namang imposible 'yon. May kung anong tumusok sa puso ko nang hawakan n'ya ang balikat ng kahalikan n'ya at ito ang pinasandal sa puno na hindi pinuputol ang paghalik. Magulo ang buhok ni Xian at lukot-lukot ang kan'yang uniporme. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi habang pinagmamasdan ang mukha n'ya. Nakapikit s'ya habang patuloy na gumagalaw ang kan'yang labi.

Gusto kong murahin ang sarili ko dahil nagpadala ako sa mabubulaklak n'yang salita at sa mga ginawad n'yang halik. Agad kong pinunasan ang mainit na likidong dumampi sa aking pisnge. Pinasok ko sa bag ang hawak kong libro bago tumayo at nilisan ang hardin. Hindi ko kayang panuorin silang naghahalikan. Nakakatuwang isipin na umasa ako na may gusto s'ya sa'kin. Kung sa tutuusin nasa kalingkingan lang ako ng babaeng niligawan n'ya dati.

Napahinto ako sa paglalakad nang maramdaman ang mainit na palad na humawak sa braso ko at pinihit paharap sakan'ya.

"Why you crying?" puno ng pag-aalala ang kan'yang boses. Naglandas ang kamay n'ya sa pisnge ko at pinunasan ang luhang kumalat dito. "Who hurts you?" Umigting ang panga n'ya. Bakas sa kan'yang mata ang galit.

Another Way Of Bullying (Montealto Series I)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora