Kabanata 3

332 24 0
                                    

Kabanata 3
Red lipstick

Nakaukit ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan ko ang silver na gate ng AC University. Sa itaas nito nakalagay ang malaking pangalan ng paaralan na naka Britannic bold. Mayro'n itong crown na logo sa itaas ng AC.

Dumiretso ako sa cr para mag-ayos. Kasalukuyan akong naglalagay ng pulang lipstick sa labi ko nang makita ko ang repleksyon ni Xian sa salamin. Puno ng pagnanasa ang mata n'ya habang nakatitig s'ya sa'kin.

Tumalikod s'ya at sinara n'ya ang pinto.

Nilapag ko ang hawak ko bago ako humarap sakan'ya. "Wala kana talagang pinipiling lugar."

"Baby!"

Uminit ang pakiramdam ko dahil sa malalim n'yang boses.

Nakatitig sa'kin ang mapungay n'yang mata habang naglalakad s'ya palapit sa kinatatayuan ko.

Napalunok ako ng laway nang dumapo ang mata ko sa matipuno n'yang dibdib. His manly scent went to my nose.

Bumaba ang tingin n'ya sa labi ko. "Let me taste your lipstick," may pang-aakit n'yang sabi. His arm wrapped around my waist then he pulled me closer. Dumadampi ang mainit n'yang hininga sa balat ko.

Pilit kong inaalis ang kamay n'ya ngunit masyadong malakas ang kan'yang pwersa.

Hinaplos n'ya ang pisnge ko habang nakatitig s'ya sa'kin. "The heart-shaped lip of yours is kinda pretty." He rubbed my lips using his thumb finger.

Matalim n'ya akong tiningnan nang ihilig ko ang aking ulo.

Nakatiim ang bagang ko habang sinasalubong ko ang tingin n'ya. "F*** you!" madiin kong sabi.

Hinawakan n'ya ako sa magkabilang pisnge at marahas n'yang sinakop ang labi ko.

Pumikit ng bahagya ang isa kong mata nang makaramdam ako ng sakit sa likod ko nang isandal n'ya ako sa pader. Pinapalo ko ang dibdib n'ya habang mabilis na gumagalaw ang kan'yang labi. I managed to keep my mouth closed but he bit my lower lip enough to give way for his devilish tongue. Mainit na likido ang dumampi sa pisnge ko habang mabilis na gumagalaw ang dila n'ya sa loob ng bibig ko.

Lumayo s'ya sa'kin at hinawakan n'ya ang magkabilang balikat ko nang muntik na akong mapaupo.

"Are you okay?"

Nakakatawang isipin na puno ng pag-aalala ang kan'yang boses. Isa-isa kong inalis ang daliri n'ya habang matiim akong nakatitig sakan'ya. Pinilit kong tumayo ng maayos kahit nanghihina ang tuhod ko. Tinaas ko ang kamay ko at sinampal ko s'ya ng malakas sa magkabilang pisnge. Sumakit ang palad ko dahil dito.

Napunta ang ibang hibla ng buhok n'ya sa kan'yang noo. Walang kahit konting galit sa mata n'ya, parang wala lang sakan'ya ang ginawad kong sampal.

Pinunasan n'ya ang lipstick na kumalat sa gilid ng kan'yang labi. "I won't punish you for what you did," mahinahon n'yang sabi.

Tumiim ang bagang ko nang hawakan n'ya ako sa baba at inangat n'ya ito. Matalim akong nakatitig sa kayumanggi n'yang mata.

"It's worth kissing you, Scarlet Collins." Nilapit n'ya sa tainga ko ang kan'yang mukha dahilan ng paghaplos ng mainit n'yang hininga sa balat ko. "I craves for it," aniya bago n'ya ako binitiwan. "This won't be our last kiss, baby!" madiin n'yang binigkas ang huling salita.

Another Way Of Bullying (Montealto Series I)Where stories live. Discover now