Kabanata 31

98 5 3
                                    

Kabanata 31

Secretary

Scarlet's POV


Ilang minutong natahimik ang paligid. Mariin na pumikit si Aiden at minasahe ang kan'yang ulo gamit ang kamay.

"I can double your salary, honey," mahina n'yang sabi, nanatiling nakapikit.

Malalim na hininga ang hinugot ko bago s'ya tiningnan. "Ayokong umasa sa'yo. Gusto kong paaralin ang kapatid ko gamit ang sarili kong pera."

Dinilat n'ya ang kan'yang mata. "Our wedding will be on November." Humarap s'ya sa'kin. "Tatlong buwan nalang tapos naisipan mo pang magtrabaho abroad?"

Binuksan ko ang bintana ng kotse para pumasok ang hangin sa loob. "Babalik din ako bago ang kasal natin." Tinuon ko ang atens'yon sa labas. "Sana kahit ngayon lang ako naman ang masunod."

Malalim na hininga ang hinugot n'ya. "Fine, I will talk dad about it."

Nanatili akong nakadungaw sa bintana habang nagmamaneho s'ya. Isang linggo na ang nakalipas simula nang magkita kami ni Xian pero hanggang ngayon sariwa parin sa'king isip ang mga nangyari. Parang kahapon lang.

The director of AC hotel offered me a job in New York. Gusto kong kunin ang opportunity na 'yon para makaipon sa pagpapaaral kila Khelsy. Si Leandro palang ang college ngayon pero hirap na hirap na ako. Ayokong umasa kay Aiden at lalong ayokong paaralin ulit ni Xian ang mga kapatid ko.

Binilin ko sila Leandro kay Stacey. Dalawang buwan lang ang nasa kontratang pinirmahan ko kaya babalik din ako kaagad.

"I love you," mahinang sabi ni Aiden habang mahigpit na nakayakap sa'kin.

Inalis ko ito at ginawaran s'ya ng halik sa labi. "Don't over work," ani ko habang ginugulo ang buhok n'ya.

Tumango lang s'ya bago binaling ang atens'yon sa screen na nakalagay sa harapan namin. "You need to go."

Hinawakan ko ang handle ng maleta at kinawayan s'ya. "Alagaan mo ang kapatid ko."

"Of course, honey." Sumen'yas s'ya na pumila na ako. He gave me a flying kiss.

Sumikip ang dibdib ko dahil dito. Mahal ko si Xian pero hindi ko kayang saktan ang lalaking walang ibang ginawa kundi mahalin ako.

Mainit na likido ang dumampi sa aking balat. Tumalikod ako at naglakad.

Nangako sa'kin ang director ng hotel na hindi konektado kay Xian ang aking pagta-trabahuhan kaya tinanggap ko ito. I will grant his wish... we won't meet again.

Halos paulit-ulit kong tiningnan ang hawak na papel kung saan nakalagay ang address ng magiging boss ko. Pinaliwanag sa'kin ni Rhea, ang secretary ng Chairman na work from home ito kaya imbes na sa opisina ako pumasok, sa bahay n'ya ako di-diretso galing hotel na tinutuluyan ko.

Pumasok sa isip ko ang bahay ni Xian sa pilipinas habang pinagmamasdan ito. Babasagin din ang dingding nito ngunit hindi maaninag ang nasa loob dahil sa pale na kurtina. Inayos ko ang suot kong pulang dress nang marinig ang pagbukas ng pinto.

Umawang ang labi ko habang pinagmamasdan ang babaeng naka-bra at maikling shorts. Namumula ang balat n'ya. Dumapo ang mata ko sa hickey na malapit sakan'yang dibdib.

"You are his secretary?" tanong n'ya.

Marahil s'ya ang kasintahan ng magiging boss ko. Umayos ako ng tindig at nginitian s'ya ng malapad bago tumango.

"I'm Steffy." Nilahad n'ya ang kan'yang kamay para makipag-shakeshand. "Nice to meet you."

Nakipagkamay ako. "I'm Scarlet."

Another Way Of Bullying (Montealto Series I)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt