Kabanata 41
Hate
Malaking ngiti ang nakaukit sa labi ni Aiden habang kinakaway ang isa n'yang kamay. Nanatiling seryoso ang mukha ko. Pumulupot ang kamay n'ya sa aking bewang nang makalapit ako sa kan'yang kinatatayuan.
"I missed you," mahina n'yang sabi.
Malalim na hininga ang hinugot ko bago kumalas sa pagkakayakap.
"I'm tired, umuwi na tayo."
Nakatikom ang aking bibig habang nakatingin sa matataas na puno. Binuksan ko ang bintana ng kotse dahilan ng paghaplos ng malamig na hangin sa aking balat. Tanging si Xian lang ang nasa isip ko. Gusto kong maramdaman ang mainit n'yang katawan.
"We will visit our new house tomorrow."
Hindi ako nag-abalang sulyapan s'ya, nanatili ang tingin ko sa mga sanga na walang tigil sa paggalaw.
"Ihatid mo ako sa bahay. Do'n muna ako titira hangga't..." tiniim ko ang aking bagang, "hindi pa tayo kasal."
Hindi s'ya umimik. Mas binilisan n'ya ang pagpatakbo ng sasakyan. Pabagsak akong humiga sa kama nang makarating sa k'warto. Kahit saang sulok ng paligid ako tumingin, tanging mukha lang ni Xian ang nakikita ko. Mariin kong kinagat ang aking pang-ibabang labi para pigilan ang pagtulo ng luha ko.
Pinaramdam n'ya sa'kin ang kakaibang saya na s'ya lang ang makakapag-padama. Sa buong buhay ko hindi ako naging masaya ng walang kapalit kaya hindi ko maiwasang isipin na ano ang magiging kapalit nito? Anong klaseng sakit ang kabayaran ng sayang 'to?
Tuluyan nang dumampi ang mainit na likido sa pisnge ko kasabay ng pagsikip ng aking dibdib. Kinapa ko sa bulsa ng suot kong pantalon ang voice recorder. Tumigil ako sa paghikbi nang marinig ang boses ni Xian. Pinunasan ko ang kumalat na luha sa aking mukha.
("It's your smile by Modern Talking")
As he started to sing my tears shed again.
"I cry the whole night, just for you
My tears will dry, that is true..."
Mariin kong kinagat ang aking pang-ibabang labi. Mas lalong sumikip ang dibdib ko. Hindi ako makahinga ng maayos dahil dito.
"But I can't live without you one more day
You're always in my heart, I swear
And if you call, I'll be there..."
"But I can't live without you one more night," pagsasabay ko.
Ito ang aking pinapakinggan no'ng unang beses s'yang bumusina sa likuran ko habang naglalakad ako patungo sa AC University. Hinding-hindi ko makakalimutan ang pag-ukit ng ngiti sa kan'yang labi no'ng araw na 'yon. Hindi ko inasahan na mangyayari sa'min 'to... kahit kailan hindi ko naisip na masasaktan ako ng ganito.
Kumawala ang hikbi sa aking bibig habang sunod-sunod na humahaplos ang mainit na likido sa pisnge ko pababa sa leeg.
"And I promise I will touch the sky
If you ask me baby I will die
Oh babe I saved my life only for you..." humina ang boses n'ya. Humugot s'ya ng malalim na hininga bago nagpatuloy.
"It's your smile, what makes my heartbeat fast
It's your smile, and it will last
I know, that you the one for me
It's your smile, I can never let you go
It's your smile, it always shows
I know, that you're the one for me
![](https://img.wattpad.com/cover/204927349-288-k591895.jpg)
YOU ARE READING
Another Way Of Bullying (Montealto Series I)
RomanceNOTE: READ THE NOVEL FIRST, BEFORE JUDGING THE PLOT, THANKS. Scarlet Collins gives Xian Clyde Montealto a flyer of restaurant instead of her number. When he goes there, she gives him an address of water refilling station where she works and tells hi...