Kabanata 10

202 13 0
                                    

Kabanata 10
Apron

Scarlet's POV

"Bakit ginabi ka sa pag-uwi kahapon?" tanong ko kay Stacey habang naglalakad kami papunta sa HM laboratory. Dapat next Wednesday pa ang finals namin sa Kitchen Essentials pero ginamit na namin ang araw para sa Macro Tourism.

"May inasikaso lang."

Abala sa pag-aayos ng ingredients ang mga kaklase namin nang makarating kami sa laboratory. Lumapit kami kay Sam na nagpupunas ng mga gamit na nakalagay sa assigned kitchen counter ng aming grupo.

"Good morning, angel," nakangiti n'yang bati habang nakatingin kay Stacey na walang emosyon s'yang tiningnan.

Nilibot ko ang tingin sa paligid. Bakas sa mukha ng mga kaklase ko ang kaba. Strikto si Chef tuwing laboratory dahil pagkain ang ginagawa namin. Natuon ang atens'yon ko sa lalaking pumasok. His well-ironed chef's uniform was dazzling as he walked towards us.

"Good morning, baby," he said with husky voice.

Umiwas ako ng tingin nang magtama ang aming mata. Isa lang ang panalangin ko ngayong araw, sana hindi s'ya ang maging kapares ko sa pagluto. Umayos kami ng tindig nang pumasok si Chef Valen. He's wearing black chef's jacket that has a logo of AC University and toque hat. Nasa trenta na s'ya ngunit marami paring stud'yante ang nahuhumaling sa kakisigan n'ya. Kahit ibang kurso pumupunta sa HM building para masilayan ang kan'yang mukha.

Napatingin ako kay Xian nang sikuhin n'ya ang aking braso.

"He had a wife, in case you don't know."

"Miss Montealto."

Napatingin kaming lahat sa gawi ni Chef.

"May iba pa bang Montealto dito bukod kay Xian?" nagtatakang tanong ni Stacey.

"Why you're not wearing apron?" Naglakad s'ya palapit sa'min. "What's the rule in this subject?"

"You are absent if you are not wearing complete uniform," sagot ko na hindi s'ya tinitingnan.

"You can't do your finals then."

Bakit sa dinami-daming bagay apron pa ang nakalimutan ko.

"Who told you she can't?"

Inangat ko ang aking ulo para tingnan si Xian. Gumaan ang pakiramdam ko nang marinig ang kan'yang boses. Hinawakan n'ya ako sa balikat at hinarap sakan'ya.

Hinubad n'ya ang suot n'yang apron. "Even your stare can make my heart flutter."

Mistula akong napako sa aking kinatatayuan nang ikabit n'ya sa bewang ko ang hawak n'yang apron. Nakatingin lang ako sakan'ya habang abala s'ya sa pagtali nito. Bawal gumamit ng pabango tuwing laboratory kaya natural n'yang amoy ang pumapasok sa aking ilong.

Hindi ko namalayan na nakabalik na pala si Chef sa harapan. Agad akong lumayo nang matapos si Xian sa pagtali.

"Thank you."

Gumuhit ang ngiti sa labi n'ya. "You will pay for that later."

"Miss Montealto?"

Kumunot ang aking noo nang makitang sa gawi ko nakatingin si Chef. "Po?"

"I think Montealto suits you well," nakangising sabi ni Xian habang nakatitig sa'kin.

"Montealto is your last name right?"

Malakas na tawa ang pumalibot sa paligid. "Scarlet Collins, Chef. Collins," madiin kong sabi.

Pinatong ni Xian sa Balikat ko ang braso n'ya. "You can call her Montealto." He pulled me closer to his side. "Tutal balak ko namang ibigay ang apelyido ko sakan'ya."

Another Way Of Bullying (Montealto Series I)Where stories live. Discover now