Kabanata 27

116 5 1
                                    

Kabanata 27
Lies

"Bakit namumugto ang mata mo?" Seryoso ang mukha n'ya habang pinagmamasdan ako. "Sino ang nagpaiyak sa'yo?"

Sinubo ko sa kan'yang bibig ang hawak kong prutas. "Wala." Luminga-linga ako sa paligid. "Kailan ka makakalabas?"

Tumigil s'ya sa pag-nguya. "Bukas." Sumilay ang ngisi sa kan'yang labi habang matiim na nakatitig sa'kin. "Dito ka matutulog?"

Isang tango lang ang aking sagot. Tumayo ako at naglakad patungo sa sofa kung saan nakalagay ang aking bag. Halos apat na araw ko nang tinatawagan si Stacey ngunit hindi n'ya ito sinasagot. Inangat ko ang aking ulo nang pumasok sa ilong ko ang amoy ng sigarilyo.

Hawak n'ya ito habang dinadampot ng kabila n'yang kamay ang remote ng kurtina.

Tumayo ako at hinablot ang kan'yang hawak. "Tumigil kana sa pagyo-yosi." Kinuha ko ang naka-boteng tubig na nakalapag sa mesa at inalis ang takip nito. "Wala kang mapapala dito," ani ko habang binabasa ang baga ng sigarilyo.

Ngumuso ang manipis n'yang labi. "Kiss me then."

Umupo ako sa gilid ng kama. Naglandas ang aking kamay sa kan'yang pisnge at marahan itong hinaplos. "Matulog kana."

Hinawakan n'ya ang pulso ko bago umiling. "You told me to stop using cigarettes so; every time I crave for it, I will kiss you instead." Bumaba ang tingin n'ya sa aking labi. "I won't get tired kissing that heart-shaped lip of yours."

Umukit ang ngiti sa bibig ko bago unti-unting nilapit ang aking mukha. "I won't get tired responsing to your kiss then."

Mahinang tawa ang kan'yang pinakawalan bago sinakop ang aking labi. Mariin akong pumikit habang sinasalubong ang paggalaw nito. Pagkabog ng dibdib ko ang pumapasok sa aking tainga. Abala ang kamay n'ya sa paghagod ng likod ko. A soft moan escaped from my mouth as he bit my lower lip and entered his tongue. Kusang pumulupot ang braso ko sa kan'yang batok nang manghina ang aking tuhod. My mind was completely blanked; I could only focus on how his tongue moves inside my mouth.

Napasinghap ako nang gumapang ang mainit n'yang palad papasok sa aking damit. Naglandas ang kamay ko sa kan'yang dibdib at marahan itong tinulak.

Bakas sa mukha n'ya ang pagkagulat ngunit agad din itong nawala. Umayos s'ya sa pagkakaupo. "I'm sorry, nadala lang ako."

Iniwas ko ang aking mata at tinuon ang atens'yon sa bintana. "Aalis ka?"

"Hindi," walang pag-aalinlangan n'yang sagot. Sunod-sunod na iling ang kan'yang ginawa. "Hindi ko kayang iwan ka."

Nanikip ang aking dibdib nang maramdaman ang mainit n'yang palad na dumampi sa'king kamay. Mahigpit n'ya itong hinawakan.

"Look at me, baby."

Malalim na hininga ang aking hinugot bago niliko ang ulo sa kan'yang gawi. "Hindi ko kayang nakikita kang ganito."

"I will always choose you over everything. You can't change my mind, Scarlet." Dumampi ang malambot n'yang labi sa aking kamay. "Walang mangyayaring masama sa'kin. Trust me."

Mainit na likido ang humaplos sa balat ko habang nakatitig sakan'ya. "Mahal kita pero mas pipiliin kong hindi ka makasama kaysa magasgasan ulit 'yang maganda mong mukha."

Tinaas n'ya ang kan'yang daliri at nilapat sa aking labi. "I love you."

Pumulupot ang kamay ko sa katawan n'ya at siniksik ang mukha sa kan'yang dibdib. Sunod-sunod na humahaplos ang mainit na likido sa aking pisnge. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi para pigilan ang pagkawala ng hikbi sa bibig ko.

I'm sorry, Xian.

Binaba ko ang hawak kong tray at kinuha ang cellphone sa aking bulsa.

"Sasabay ako kay Sam sa pagsundo sa'yo." Nilayo ko ang cellphone sa aking tainga nang may pumasok na customer. Binati ko ito bago binalik ang atens'yon sa aking hawak.

Another Way Of Bullying (Montealto Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon