Kabanata 28

124 5 4
                                    

Kabanata 28
Birthday gift 

Hindi mapawi ang ngiti sa aking labi habang pinagmamasdan ang mga kapatid ko. Dumampi ang mainit na likido sa aking balat nang maalala ang unang araw na nakita ko si mama.

Wala akong ibang ginawa kundi humagulgol pagdating sa bahay. Paulit-ulit na pumapasok sa aking isip ang mukha ni Xian. Kung pa'no s'ya lumuhod sa harapan ko at sinabi ang nagsilbing bala na tumama sa aking dibdib. Para akong paulit-ulit na sinasaksak. Pinakawalan ko ang lalaking walang ibang ginawa kundi mahalin ako. Napasinghap ako nang tumunog ang cellphone na nakalagay sa gilid ng lampshade.

"Good job!"

Nanginginig ang aking kamay habang pinapakinggan ang nagsasalita sa kabilang linya. Hindi ko magawang ibuka ang aking bibig para magpakawala ng salita.

Tumawa s'ya ng mahina. "I saw how Xian kneels down in front of you. That asshole is freaking in love with—"

"Walanghiya ka!" Nag-unahan ang luha sa aking mata. "Bakit?" Huminga ako ng malalim. "Bakit ginagawa mo sakan'ya 'to?"

Napamura ako nang patayin n'ya ang tawag. Nagkita kami ni Richard bago ako pumunta sa hospital, no'ng araw na tinanong ni Xian kung bakit namumugto ang aking mata.

"Nice to meet you, Scarlet Collins."

Pinagmasdan ko mabuti ang kan'yang mukha. Parang may-edad na Aiden ang aking kaharap. Parehas sila ng mata hanggang sa hugis ng mukha.

"I'm Richard Thompson," pagpapakilala n'ya bago humigop ng kape. "Sa titig mo palang," nilapag n'ya ang baso sa mesa, "mukhang alam mo na kung bakit nakipagkita ako sa'yo."

Nanatili akong nakatitig. Walang kahit anong lumabas sa aking bibig.

"Niligawan ka ni Aiden dahil ikaw ang binigay kong assignment." Umukit ang ngisi sa kan'yang labi. "Pero mukhang hindi ka n'ya makukuha."

"Diretsuhin mo na ako," walang gana kong sabi.

Pinatong n'ya sa mesa ang kan'yang siko. "Kapag hindi n'ya nagawa ang inutos ko, babalik s'ya sa dati." Nilapit n'ya sa'kin ang envelope na nasa tabi ng baso.

Tiniim ko ang aking bagang nang masilayan ang mga litrato sa loob nito. Bakas sa mukha ni Aiden ang hirap habang nakatayo sa gilid ng kalsada, naghihintay ng mga taong bibili ng kan'yang paninda. Sumagi sa isip ko ang sinabi n'ya sa'kin no'ng una kaming nagkita.

"Ayos lang sa'kin na ako ang nahihirapan. Gusto kong pawiin ang sakit na nararamdaman ni mama."

Pinunasan ko ang dumamping likido sa aking pisnge, mas siniksik ang mukha sa gilid ng kariton. Ramdam ko ang hapdi sa kan'yang puso.

"Halos araw-araw humihingi s'ya ng tawad dahil hindi n'ya kayang iparanas ang magandang buhay. No'ng araw na 'yon ko naisip na kapag kinuha ako ni papa, sasama ako sakan'ya. Mas pipiliin kong mawalay kay mama kaysa mahirapan s'ya nang dahil sa'kin."

Binalik ko ang litrato sa loob ng envelope. "Bakit pinapakita mo sa'kin 'to?" Pinilit kong 'wag tumulo ang aking luha. "Hindi ka manlang ba nasaktan nang makita ang paghihirap ng anak mo?"

Sunod-sunod na iling ang ginawa n'ya. "Gusto mo bang bumalik sa dati ang lalaking 'yan?"

Mariin kong kinuyom ang aking palad.

"Hold yourself, hindi pa ako tapos." Umukit ang nakakaasar na ngiti sa labi n'ya. "Dinoble ko ang binayad ng kaibigan mo para bugbogin si Xian..."

Tumaas ng bahagya ang kilay ko. Hindi lang si Stacey ang may gawa no'n?

"Nakakabilib din ang babaeng 'yon, nagpapakapagod magtrabaho tapos ibabayad n'ya lang sa gangster." Mahinang tawa ang pinakawalan n'ya. "Hindi mapapabagsak si Xian ng isang lalaki kaya nag-hired ako ng isang dosena..."

Another Way Of Bullying (Montealto Series I)Where stories live. Discover now