Kabanata 34

92 5 27
                                    


Kabanata 34
Twenty days

Scarlet's POV

"I want to visit your mom. How is she?"

Napatigil ako sa pagbuklat ng papeles nang marinig ang sinabi n'ya. Tumigil s'ya sa pagpirma at inangat ang ulo para tingnan ako.

"Baby?"

Binaba ko ang aking hawak. "Wala na s'ya." Tiniim ko ang aking bagang.

Kumunot ang kan'yang noo at tinaas ng bahagya ang kilay. "Why? I mean..." binaling n'ya ang atens'yon sa labas, "she looks so fine when I met her."

Malalim na hininga ang hinugot ko. "Binubugbog s'ya ni Tito Jacob." Mainit na likido ang dumampi sa aking balat. "Namuo ang dugo sa utak n'ya."

Sunod-sunod na luha ang pumatak sa aking mata. Sumikip ang aking dibdib. Sumagi sa isip ko ang araw na tinakbo namin s'ya sa hospital. Hinawakan n'ya ang lalagyan ng bulaklak na nakalagay sa aming harapan. Pumalibot sa paligid ang tunog ng nabasag na vase. Kumalat ang bubog nito sa sahig. Umiigting ang panga n'ya habang nakakuyom ang palad.

"Fuck!"

Tumigil ako sa paghikbi nang marinig ang malakas n'yang boses. Dumapo ang mata ko sa dugo na nasa paa n'ya. Tumayo ako at nagmadaling kumuha ng first aid kit. Kusang huminto ang paa ko nang makita s'yang nakayuko. Tuloy-tuloy na tumutulo ang luha sa kan'yang mata. May kung anong tumusok sa puso ko dahil dito.

"I promised..." huminga s'ya ng malalim, "that I will get your hands to her."

Malakas na sigaw ang pinakawalan n'ya kasabay ng pagsuntok sa babasaging mesa.

"Xian!"

Binitiwan ko ang aking hawak at tumakbo palapit sakan'ya. Pumulupot ang kamay ko sa kan'yang katawan at mahigpit s'yang niyakap. Sumisikip ang dibdib ko dahil sa paghikbi n'ya.

"I promised to her, Scarlet!" madiin n'yang sabi.

Hinagod ko ang kan'yang likod.

"I will propose to you for the second time... and will make sure to get that yes!"

Pinunasan ko ang likidong kumalat sa aking mukha.

"Book me a flight to Philippines."

Kumalas ako sa pagkakayakap. Hinawakan ko s'ya sa braso at matiim na tinitigan. Puno ng galit ang kan'yang mata.

"I will kill him!" madiin n'yang sabi.

Sunod-sunod na iling ang aking ginawa habang pinupunasan ang likido sa pisnge n'ya. "Pinagbabayaran n'ya na ang nagawa n'yang kasalanan sa kulungan."

Inalis n'ya ang kamay ko bago tumayo. "I will get some fresh air, baby," malamig n'yang sabi.

Nakatingin lang ako sakan'ya habang naglalakad s'ya palabas. Winalis ko ang nakakalat na bubog sa sahig bago nagtungo sa kusina para magluto ng tanghalian.

Agad akong bumangon nang marinig ang pagbukas ng pinto. Pagewang-gewang si Xian na lumapit sa'kin. Nilapit n'ya ang kan'yang mukha. Dumadampi sa balat ko ang mainit n'yang hininga. Tinakpan ko ang aking ilong nang pumasok dito ang matapang na amoy ng alak.

"Kanina pa kita hinihintay." Inalalayan ko s'yang umupo. "Pa'no kung may nangyaring masama sa'yo—"

"Shh..." Nilapat n'ya ang isang daliri sa aking labi. "I love you," aniya habang nakatitig sa'kin.

Hinaplos n'ya ang aking pisnge at nilapit ang kan'yang mukha. Pumikit ako nang sakupin n'ya ang aking labi. Sinalubong ko ang marahan na paggalaw nito. Hinagod n'ya ang aking likod at inalalayan pahiga sa sofa na hindi tumitigil sa paghalik. Bumilis ang pagkabog ng dibdib ko kasabay ng kuryenteng dumaloy sa aking katawan. Sinabit ko sa kan'yang leeg ang aking braso. Kinagat n'ya ang pang-ibabang labi ko at marahas na pinasok ang dila. Mabilis ang paggalaw nito sa loob ng aking bibig. Nanghina ang tuhod ko dahil sa sensas'yong dala nito.

Another Way Of Bullying (Montealto Series I)Where stories live. Discover now