Kabanata 11

181 6 0
                                    

Kabanata 11
Model

Xian's POV

Inabot sa'kin ni Aling Carla ang limang libo. "Sir, ito po ang binayad ng babae."

"Keep that." Nanatili ang atens'yon ko sa pinto ng bahay.

Gumuhit ang ngisi sa labi ko nang lumabas si Scarlet. Hindi maipinta ang mukha n'ya habang nakatingin sa'kin. She already knew that it was from me?

"What's wrong with your face? Ang panget mo na nga, nagpapa-panget ka pa," natatawa kong sabi habang nakatitig sakan'ya. Tumaas ang sulok ng labi ko nang ilagay n'ya ang susi sa aking palad.

"Hindi ko matatanggap 'yan." Maglalakad na sana s'ya pero agad ko s'yang hinawakan sa braso.

"Hindi 'yan libre."

Inalis n'ya ang kamay ko bago humarap. "Wala akong pera pang-bayad kaya sa iba mo nalang ibenta ang bahay mo."

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. "I don't need your money." Naglandas ang kamay ko sa baba n'ya at tinaas ito. "Be my model, baby."

Gumuhit ang ngisi sa labi n'ya kasabay ng pag-alis nito. "I-model mo mukha mo!"

Malakas na tawa ang pinakawalan ko. "Tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mo." I wrapped my arms around her waist and pulled her closer.

Pumikit ako nang pumasok sa ilong ko ang nakakaakit n'yang amoy. Mumurahin ang pabango n'ya ngunit nahuhumaling ako rito. Dumilat ako nang paluin n'ya ang aking dibdib.

Puno ng galit ang mata n'ya habang nakatitig sa'kin. "Bitiwan mo ako!"

"Kapag hindi ka tumigil papahinain ko ang tuhod mo hanggang sa hindi kana makatayo!"

Tinikom n'ya ng mariin ang kan'yang bibig.

Most girls beg me to kiss them but the girl in front of me was different.

"Think about my offer."

She clenched her teeth as she stared at me."

"Magiging sa'yo ang bahay na 'yan kapag pumayag kang maging model sa bago kong magazine." Dinampi ko sa tuktok ng ulo n'ya ang aking labi bago s'ya binitiwan.

Even her hair was smell so good.

Nanatiling seryoso ang mukha n'ya habang nakatitig sa'kin.

"Can you smile at me?" Sunod-sunod na iling ang ginawa ko. "I'm so tired seeing your poker face!"

Walang kahit anong lumabas sa kan'yang bibig. Hinablot n'ya ang hawak kong susi at naglakad papasok sa gate.

Does it mean she's accepting my offer?

Nakaguhit ang ngiti sa labi ko habang nagmamaneho. Tinaas ni Aiden ng bahagya ang kamay n'ya pagpasok ko sa café. He doesn't need to raised his hand to get my attention. I already knew where he was sitting.

"It seems like you are not a busy person," ani ko nang makalapit sakan'ya.

Malamig na tingin ang ginawad n'ya bago uminom ng kape. "I will court Scarlet."

Tumaas ng bahagya ang kilay ko kasabay ng pag-nguso.

Umupo ako at kinuha ang menu para mag-order ng maiinom. "Good luck," walang gana kong tugon habang nakatingin sa aking hawak. "You can't get her easily." Binaba ko ito at tiningnan s'ya. "She's different from others." Mahinang tawa ang pinakawalan ko. "You got a hard assignment from your dad huh."

"I will do everything to make her mine!" madiin n'yang sabi habang abala ako sa pakikipag-usap sa waiter. Magsasalita pa sana s'ya ngunit tinaas ko ng bahagya ang aking kamay.

Another Way Of Bullying (Montealto Series I)Where stories live. Discover now