Kabanata 21

113 5 0
                                    

Kabanata 21
Payong

Stacey's POV

Sunod-sunod na mura ang pinakawalan ko habang pinupunasan ang basa kong balat. Bakit ba nagpauto ako sa lalaking 'yon? Wala akong dalang payong kaya mananatili nalang ako sa harapan ng building na 'to para makasilong.

"Malakas na suntok talaga ang igagawad ko sa mukha n'ya kapag nagkita kami," nanggigigil kong sabi habang pinapagpagan ang damit ko.

Umaanggi parin ang ulan sa kinatatayuan ko. Mabuti nalang at itim na gumang sapatos ang aking suot. Inangat ko ang aking ulo nang may humintong lalaki sa harapan ko.

"Sorry kung—"

Napangiwi si Sam nang dumapo ang kamao ko sa mukha n'ya. Sumingkit ang mata n'ya habang matiim na nakatitig sa'kin.

"Walang hiya ka talaga!" Naglandas ang kamay ko sa dibdib n'ya at pinalo ito. "Nabasa na ako kakahintay sa'yo!" nanggigigil kong sabi.

Kumunot ang noo n'ya. "Ano'ng pinagsasabi mo? Sinabi ko bang hintayin mo ako dito?"

Nakaawang ang bibig ko habang nakatingin sa naguguluhan n'yang mukha. "Hindi ikaw ang tu-tutoran ko?"

Sunod-sunod na iling ang ginawa n'ya bago nilapit ang hawak na payong sa itaas ng ulo ko. Yumuko ako nang makitang may dugo ang gilid ng labi n'ya.

"I'm sorry."

Matamis na ngiti ang ginawad n'ya bago pinaglandas ang kamay sa braso ko at hinila palapit sakan'ya para magkasya kami sa payong.

"Do'n ka muna sa condo ko hangga't hindi pa tumitila ang ulan."

Inangat ko ang aking ulo para masilayan s'ya ng mabuti. "Bakit nag so-sorry ka kanina?"

"Kung nalaman ko kaagad na nandito ka hindi sana gan'yan ang itsura mo."

Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa labi ko nang marinig ang sagot n'ya.

Nakatitig ang mga tao sa aming paligid habang lulan kami ng elevator. Basa ang saplot ko kaya tumutulo sa sahig ang tubig na nanggagaling dito. Umusog ako patungo sa gilid at bahagyang siniksik ang aking ulo. Tiningnan ko si Sam nang hawakan n'ya ako sa braso at sinubsob ang mukha ko sa kan'yang dibdib. Napasinghap ako nang pumasok ang pabango n'ya sa aking ilong. Naibsan ang pagkaginaw ko dahil sa mainit n'yang katawan.

Agad akong lumayo nang bumakas ang pinto. Nakaguhit ang ngiti sa labi n'ya habang nakatingin sa'kin. Binaling ko ang atens'yon sa paligid nang makapasok sa condo unit n'ya. Patakbo akong lumapit sa babasaging bintana na malapit sa pinto ng k'warto. Puminta ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan ang mga bituwin mula sa aking kinatatayuan.

Nasa ika-pitong palapag ito kaya kitang-kita ang mga ilaw ng building. Wala paring tigil ang pagbuhos ng ulan sa labas kaya malabong makakauwi ako ngayong gabi. Napunta ang atens'yon ko sa pinto na gawa sa kahoy nang bumukas ito.

"Wala akong ibang mapapahiram sa'yo kundi ito lang," aniya habang naglalakad palapit sa'kin.

Tumango ako at kinuha ang inabot n'yang damit. Nagtungo s'ya sa couch at umupo rito. Dumapo ang mata ko sa mga painting na nakadikit sa puting dingding.

"Mahilig ka sa eroplano?" pag-uusisa ko na hindi inaalis ang tingin dito.

Sumulyap s'ya sa gawi ko bago binalik ang atens'yon sa paglalagay ng wine sa basong hawak. "Being a pilot is my dream." Nilagok n'ya ito at nilapag sa mesa.

Pinaglandas ko ang aking braso bago s'ya hinarap. "Bakit BSHM ang kinuha mong kurso?"

Kumunot ang noo n'ya. "Hindi ko talaga maintindihan ang ugali mo," iiling-iling n'yang sabi. "Palagi kang masungit sa'kin kapag nasa esk'welahan tayo tapos ngayon ang dami mong tanong." Gumuhit ang ngisi sa labi n'ya. "Interesado kana ba sa'kin?"

Another Way Of Bullying (Montealto Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon