Kabanata 2

382 24 0
                                    

Kabanata 2

Karton

"Scarlet!" hinihingal na sabi ni kuya Daryll. Nakatira s'ya malapit sa inuupahan ko.

Inalis ko ang earphones sa aking tainga. "Nasusunog ang bahay—"

Hindi ko na hinintay na matapos ang kan'yang sasabihin. Agad akong tumakbo ng mabilis patungo sa aking apartment nang makita ang makapal na usok na nanggagaling dito. Bumungad sa'kin ang mga kapit bahay namin na naghahakot ng kan'ya-kan'ya nilang gamit. Hinawakan ko ang dulo ng box na buhat ni ate Levy para tulungan s'ya. Natupok na ang buong bahay kaya wala na akong mai-sasalba pa. Mabuti nalang at mga damit ko lang ang naroon dahil sa locker ng AC University ko nilalagay ang mga importante kong gamit.

"Salamat, Scarlet," aniya nang makarating kami sa kanto kung saan malayo na sa mga nagkakagulong tao. "Lahat ng pinaghirapan ko nawala nalang na parang bula." May namuong luha sa kan'yang mata habang nakatingin sa makapal na usok.

Nilagay ko sa kan'yang likod ang aking kamay at hinagod ito. Kaming dalawa lang ang nakatira sa bahay n'ya, sa unang palapag s'ya samantala ako sa pangalawa. May kung anong kumukurot sa puso ko habang nakatingin sa mga taong umiiyak sa harap ng nasusunog nilang bahay. May humintong tricycle sa aming likuran kaya nilingon ko ito.

"Kila mama muna ako makikituloy. Gusto mo bang sumama?"

Inalis ko ang aking tingin sa lalaking nakasakay rito.

"Nakakahiya naman po kung makikitulog ako sainyo."

Bumilis ang pagkabog ng dibdib ko nang makitang nakatitig sa'kin ang kapatid n'ya.

Sinuot ko ang earphones sa aking tainga. "Mauna na ako, ate Levy," paalam ko bago naglakad ng mabilis palayo sakanila.

Tumaas ang balahibo ko dahil sa titig ng lalaking 'yon. Madalas s'yang pumupunta sa bahay at kahit kasing edad ko s'ya, hindi ko magawang makipag-usap sakan'ya. Gumuhit ang ngiti sa labi ni ate Tessy nang makita ako.

Karga n'ya ang dalawang taong gulang n'yang anak habang ang isa naman ay mahimbing nang natutulog sa nakalatag na karton. Umupo ako sa tabi n'ya at kinuha ko ang supot sa bag ko.

"Kumain muna po kayo," ani ko sakan'ya.

Ngumiti s'ya ng malapad bago n'ya kinagatan ang hawak n'yang tinapay. Dati natutulog din ako sa kalsada, katulad ng ginagawa nila.

Napakunot noo ako nang may gumalaw sa braso ko. Minulat ko ang aking mata at tumingin ako para hanapin sila ate Tessy.

"Miss," ani ng isang lalaki.

Nag angat ako ng ulo para makita ko ang mukha n'ya.

"Bakit dito ka natutulog?" tanong n'ya sa'kin habang nakatingin s'ya sa mga karton na nakalatag.

Dinampot ko ang puting bag ko at sinukbit ko ito sa aking balikat.

Malamig na tingin ang ginawad ko sakan'ya bago ako tumayo.

"Hindi mo na dapat mala—bitiwan mo ako!" singhal ko nang hawakan n'ya ako sa braso.

"Sa bahay kana matulog," umiwas s'ya ng tingin kasabay ng pagbitiw n'ya sa'kin, "baka may mangyaring masama sa'yo."

Inayos ko ang nalukot kong palda bago ako tumawid sa kabilang kalsada kung saan nakaparada ang sasakyan n'ya. Umiwas ako ng tingin nang lumingon s'ya sa'kin bago n'ya ako pinagbuksan ng pinto.

Maaga akong gumising para maglinis ng bahay n'ya dahil sa gano'ng paraan ko lang masusuklian ang kabutihan n'ya. Nilabhan ko na rin ang hiniram kong damit kagabi pagkatapos kong labhan ang suot kong uniporme. Hindi ko na s'ya hinintay na magising, nag iwan nalang ako ng sulat sa mesa bago ako umalis para magpasalamat.

Another Way Of Bullying (Montealto Series I)Where stories live. Discover now