Kabanata 20

124 6 1
                                    

Kabanata 20

Punishment

Scarlet's POV

Pabagsak na sinara ni Xian ang pinto paglabas n'ya. Ngayon ko lang nakitang gano'n ang kan'yang ekspres'yon. Napunta ang atens'yon ko kay Aiden nang hawakan n'ya ako sa balikat.

"You okay?" nag-aalalang tanong n'ya.

Sumulyap ako sa pinto. Tanging si Xian lang ang naiisip ko. I feel guilt because he saw me kissing other guy. Hindi naman dapat ako makaramdam ng ganito dahil wala kaming relasyon.

Inangat n'ya ang kan'yang kamay at tiningnan ang oras sa relong suot. "I need to go, Scarlet."

Humarap ako sakan'ya.

He leant forward and gave me a peek on my cheek. "I enjoyed our date," aniya bago umukit ang ngiti sa kan'yang labi.

Tumango lang ako bago hinubad ang dilaw na dishwashing gloves. Sinamahan ko s'ya patungo sa labas. Nanatili ako ro'n hanggang sa makaalis ang sasakyan n'ya. Luminga-linga ako sa paligid, nagbabakasakaling makikita si Xian. Pinaglandas ko ang aking braso nang dumampi ang malamig na hangin sa balat ko.

Akmang maglalakad na ako nang may humawak sa kamay ko. Pamilyar na amoy ang pumapasok sa aking ilong.

"Your habit was hurting me, aren't you?"

Tumaas ang balahibo ko nang marinig ang malalim n'yang boses.

Naglandas ang kamay n'ya sa braso ko at pinihit paharap. Magulo ang buhok n'ya na lalong nagpakisig sakan'ya. His deep-shaped amber eyes traced my facial features.

Gumuhit ang ngisi sa manipis n'yang labi. "I'm starting to hate that heart-shaped lip of yours."

Umiwas ako ng tingin at inalis ang kamay n'yang nakahawak sa'kin. "Umuwi kana."

"This is my home," aniya bago naglakad papasok.

Malalim na hininga ang hinugot ko bago s'ya sinundan. Kumunot ang noo ko nang huminto s'ya sa p'westo ni Aiden kanina.

"You kissed here, right?" He pouted his glossy lips as he grabbed the yellow dishwashing gloves. "Come here, baby." Humarap s'ya sa aking gawi. "Do what you did earlier."

Nakataas ang sulok ng labi ko habang nakatingin sakan'ya. "Nababaliw kana ba?" madiin kong tanong.

Umigting ang panga n'ya kasabay ng paglapit sa kinatatayuan ko. Matalim ang binabato n'yang tingin.

"Hindi kita papahirapan kung susundin mo ang gusto ko," aniya nang makarating sa aking harapan. Nilapit n'ya sa tuktok ng ulo ko ang kan'yang mukha at dinampi ang labi rito.

"Tigilan mo na ako!" Tinulak ko ang dibdib n'ya ngunit nanatili s'ya sa kan'yang p'westo. Mas'yado s'yang malakas kaya hindi ko s'ya maitulak palayo.

Humaplos ang mainit n'yang palad sa pisnge ko at unti-unti itong dumapo sa aking baba. "Don't provoke me to hurt you, baby." Inangat n'ya ito dahilan ng pagtama ng aming mata.

Ang mapungay n'yang mata ang pinakagusto ko sa parte ng kan'yang mukha. Nakakatuwang isipin na lahat ng pisikal na anyo na gusto ko ay nasa kan'ya na.

"You deserve a punishment, baby," madiin n'yang sabi habang matalim na nakatingin sa'kin.

Hinawakan n'ya ako sa pulso at hinila papunta sa kusina kung saan kami nakatayo ni Aiden no'ng dumating s'ya. Nagpumiglas ako nang isuot n'ya sa'kin ang gloves na nakalapag kanina sa lababo. Pinatong n'ya ang braso ko sa kan'yang balikat at marahas na sinakop ang aking labi. Nakapalibot ang isa n'yang kamay sa aking bewang kaya hindi ko magawang itulak s'ya palayo.

Another Way Of Bullying (Montealto Series I)Where stories live. Discover now