Kabanata 26

107 4 0
                                    

Kabanata 26

Calling card

Scarlet's POV


Nanghina ang tuhod ko nang marinig ang sinabi ni Sam sa kabilang linya. Tumulo ang luha ko kasabay ng pagtakbo palabas ng convenience store. Nanginginig ang kamay ko habang inaabot ang bayad sa driver ng taxi na aking sinakyan. Wala akong ibang naiisip kundi ang kalagayan ni Xian. Halos lahat ng tao sa hallway ay napapatingin sa'kin.

"Nasa'n si Xian?" garalgal kong tanong kay Sam nang makasalubong ito.

"Nasa private room 202." Kumunot ang noo n'ya. "Bakit may dala kang-"

Hindi ko na hinintay na matapos s'ya. Patakbo akong lumapit sa pinto. Mabilis na kumakabog ang dibdib ko habang sunod-sunod na dumadampi ang mainit na likido sa aking pisnge. Pinihit ko ang hawakan nito. May kung anong tumusok sa puso ko nang masilayan si Xian.

"Baby..."

Bakas sa mukha n'ya ang sakit ngunit pinipilit n'yang umukit ang ngiti sa kan'yang labi. Lumabo ang paningin ko dahil sa tubig na nakapalibot sa aking mata. Mistula akong napako sa aking kinatatayuan. Parang hinihigop ang lakas ko.

"Bakit?" Mariin kong kinuyom ang aking palad. "Bakit nakukuha mo pang ngumiti kahit nasasaktan kana?" bulyaw ko kasabay ng pag-upo sa sahig.

Tumaas ng bahagya ang kilay n'ya ngunit nanatili ang ngiti sa kan'yang labi.

"Stop crying. Okay lang ako. Mas masakit para sa'kin na nakikita kang gan'yan."

May kung anong humaplos sa puso ko nang marinig ang sinabi n'ya.

"Kung kaya ko lang bumangon, kanina pa kita nilapitan. Wipe your tears for me, baby."

Nakatitig s'ya sa'kin habang nagpupunas ako ng luha. Malalim na hininga ang hinugot ko bago tumayo at naglakad palapit sa kama.

Mahinang tawa ang pinakawalan n'ya. "Bakit may dala kang tray?" Tiningnan n'ya ang laman nito bago binalik ang atens'yon sa'kin.

"Nag-aayos ako ng mga biscuit kanina sa stall nang tumawag si Sam." Umupo ako sa gilid ng kama. "Nasa taxi na ako nang mapagtanto na dala ko 'to. Hindi ko naman p'wedeng iwan o itapon dahil wala akong pang-abuno."

Lumiwanag ang mukha n'ya kasabay ng pag-ukit ng ngiti sa labi.

"I love you," mahina n'yang sambit.

Mainit na likido ang dumampi sa pisnge ko.

Pinilit n'yang itaas ang kamay n'ya at pinunasan ito. "Shhh, stop crying."

"Hindi ko kayang," tumingin ako sa itaas para pigilan ang pagtulo ng aking luha, "nakikita kang ganito."

"I know that's why I want to say sorry." Bumaba ang kamay n'ya sa labi ko at marahan itong hinaplos. "I let them punch me, so they won't hurt you."

Naninikip ang dibdib ko habang nakatitig sakan'ya.

"I'm afraid that if I fight them back, they might hurt you." Sunod-sunod na iling ang ginawa n'ya. "Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nangyari 'yon."

"I love you." Hinawakan ko s'ya sa pulso at nilapit ang kamay n'ya sa aking bibig. "Mahal na mahal kita." Mariin ko itong hinalikan kasabay ng pagtulo ng aking luha.

"Hug me," mahina n'yang sabi.

Napasinghap ako nang pumulupot ang kamay n'ya sa aking bewang. Natural n'yang amoy ang pumapasok sa ilong ko.

"I love you more than you know." Hinaplos n'ya ang buhok ko bago hinalikan ang tuktok ng aking ulo.

Sabay kaming tumingin sa pinto nang bumukas ito. Nasa edad k'warenta na lalaki na nakasuot ng itim na suit ang pumasok. Agad akong lumayo kay Xian at tumayo sa gilid. Kinuha ko ang tray na nakalapag sa mesa. Nanatili akong nakayuko hanggang sa makalapit s'ya sa'min.

Another Way Of Bullying (Montealto Series I)Where stories live. Discover now