Kabanata 19

156 5 0
                                    

Kabanata 19
Picture frame

Aiden's POV

Umukit ang ngisi sa labi ko habang pinagmamasdan ang aking repleks'yon sa salamin. Alam ba ni Xian na may date kami ni Scarlet mamaya kaya n'ya ginasgasan ang mukha ko? Umupo ako sa kama at kinuha ang picture frame na may litrato naming dalawa.

Unang beses kaming nagkita no'ng muntik na akong mabugbog ng lalaking ka-kompentens'ya ko sa pagtitinda ng balot. Kung hindi sila huminto ng Daddy n'ya no'ng araw na 'yon baka nabalian na ako ng buto. Kahit kailan hinding-hindi maiintindihan ni Xian ang sitwas'yon ko. He has everything! Wealth, family, and friends. I will always choose money over friendship! Hindi ko hahayaang bumalik ako sa dati.

Tinapon ko sa basurahan ang hawak kong picture frame. We're no longer friend's kaya wala nang silbi ang litratong 'to. Tumawa ako ng mahina nang sumagi sa isip ko ang nangyari kanina.

I was busy talking with Clinton in front of Computer Programming lab when Xian caught my attention. He leaned in the wall as he lit the cigarette on his mouth. Tinapik ko ang balikat ni Clinton para paunahin s'ya sa gym. Umukit ang ngisi sa labi ko habang naglalakad palapit sakan'ya.

"It's been a long time." Sumandal ako sa pader at kumuha ng sigarilyo sa kahang hawak n'ya. Binasa ko muna ang aking labi sa pamamagitan ng dila bago nilagay ang yosi sa aking bibig. "Scarlet was so sexy everytime she's wearing fitted dress." Sinulyapan ko s'ya para makita ang kan'yang ekspres'yon.

Seryoso s'ya habang nakatuon ang atens'yon sa mga dahon ng puno. Mahinang tawa ang pinakawalan ko habang sinisindihan ang sigarilyo sa aking bibig.

"It seems like you are letting me to have your girl," ani ko kasabay ng pag-ukit ng ngisi sa aking labi.

"Damn it!" He clenched his teeth as he turned to me. "I really want to kill you, Aiden!" madiin n'yang sabi. "You are doing this because of money?" Kinuha n'ya ang wallet sa suot n'yang uniporme at nilabas ang cheque na may dalawang milyon. "Leave her alone!"

Tumaas ang sulok ng labi ko nang ilagay n'ya ito sa aking palad.

"I will send you money every month kung kulang pa 'yan."

Umalis ako sa pagkakasandal at pinunit ang cheque na binigay n'ya. "I don't need your money, Xian." I clenched my teeth as I stared at him. "She's the entire thing I want from you!"

Tinapon n'ya ang hawak n'yang sigarilyo at matiim akong tinitigan. Gumuhit ang ngisi sa labi ko nang umigting ang panga n'ya.

"She's not a thing!" bulyaw n'ya kasabay ng paghawak sa kwelyo ko. "You don't know how important she is!" madiin n'yang sabi habang matalim na nakatitig sa'kin.

I pouted my lips as I tilted my head. "You love her but you can't express it. Mismong sa bibig mo na nanggaling na mahalaga s'ya." Umukit ang ngisi sa labi ko. "Mas lalo akong ginaganahan na paglaruan ang babaeng 'yon."

Bahagyang pumikit ang isa kong mata kasabay ng pagtulo ng dugo sa gilid ng aking labi. Bakas sa mukha n'ya ang panggigigil habang mahigpit na nakahawak sa kwelyo ko.

"You're talking too much!" Sinandal n'ya ako sa pader. "I didn't expect that you will end up an asshole dog loyal to his dad!" Umiigting ang panga n'ya habang nakatingin sa'kin.

Malakas na tawa ang kumawala sa bibig ko. "Punch me as long as you want!" Hinagis ko ang hawak kong yosi bago binalik ang atens'yon sakan'ya. "Balewala ang sakit ng mga suntok mo dahil malalasap ko na ang langit mamaya kasama ang babaeng mahal m—"

"Fuck you!"

Sunod-sunod na suntok ang ginawad n'ya sa mukha ko. Halos lahat ng mga dumadaan sa harapan namin walang ginagawa dahil takot sila sa lalaking 'to. They treat him like a master because his family own this school but I'm not like them! He's just nobody who can't even express his feelings.

Another Way Of Bullying (Montealto Series I)Where stories live. Discover now