Kabanata 25

110 5 0
                                    

Kabanata 25

Hidden meaning

Aiden's POV

Tiningnan ko ang oras sa suot kong relo. Tatlong oras na akong naghihintay sa harap ng bahay ni Scarlet pero hanggang ngayon wala parin s'ya. Napamura ako sa isip ko nang may kumagat sa aking braso. Pinalo ko ito ngunit agad itong nakaalis.

"Mosquitoe was more intelligent than me," iiling-iling kong sabi.

Sumandal ako sa bakal na gate at mariing pumikit. Malamig na hangin ang dumadampi sa aking balat.

Hindi ko alam kung pa'no ko sasabihin kay Daddy na ayoko nang ituloy ang plano n'ya. Ayokong saktan ang babaeng natutunan ko nang mahalin. Dumilat ako nang marinig ang paghinto ng sasakyan. Malaking ngiti ang nakaguhit sa labi ni Scarlet habang kumakaway.

"Aiden?"

Bakas sa mukha n'ya ang pagkagulat nang makita ako. Sumulyap ako sa kotseng kakaalis lang. Mas'yado silang abala ni Xian kaya hindi nila napansin na pinapanuod ko sila habang nagbabatuhan ng matatamis na salita. Tumayo ako at pinagpagan ang aking p'wetan.

Mahinang tawa ang pinakawalan ko bago naglakad palapit sakan'ya.

"Pumunta ako dito para pagaanin ang loob mo pero mukhang naunahan na ako ni Xian."

Nanatili akong nakatitig sakan'ya. Walang kahit konting lungkot sa mukha n'ya. Napawi 'to lahat ng lalakeng 'yon.

Mariin kong kinuyom ang aking palad kasabay ng pagtiim ng bagang.

"Scar..." Humugot ako ng malalim na hininga. "Ano ba ako sa'yo? Nakikipag-date ka sa'kin pero sumasama ka sa ibang lalaki."

Hindi ko inasahan na ako ang masasaktan. Taliwas ito sa aming plano.

Umiwas s'ya ng tingin. "Pumasok muna tayo."

Agad ko s'yang hinawakan sa pulso bago pa man s'ya makalakad. Hinila ko s'ya palapit sa'kin at pinulupot ang braso sa kan'yang katawan.

"Mahal kita, Scarlet. Hindi ba p'wedeng sa'kin ka nalang?"

Mainit na likido ang dumampi sa balat ko nang itulak n'ya ako palayo.

"Si Xian ang mahal ko." Sumilay ang ngiti sa labi n'ya kasabay ng pagpunas ng luha sa aking pisnge. "Totoong ikaw ang dahilan kung bakit kinuha ko ang kursong BSHM. Gusto kong masuklian lahat ng kabutihang ginawa mo pero..."

Umiwas ako ng tingin at binaling ang atens'yon sa ilaw na nagsisilbing liwanag sa kalsadang kinatatayuan namin.

"Hindi ko masusuklian ang pagmamahal mo."

Tumango ako bago s'ya tiningnan. Puno ng saya ang mata n'ya. Ang ligaya na kahit kailan hindi ko maibibigay.

"You deserve better, Aiden."

Naglandas ang kamay n'ya sa tuktok ng aking ulo at ginulo ang buhok ko.

How can I unlove this girl?

"Hindi ako ang babaeng 'yon. Palagi kang nasa tabi ko pero kahit pilitin kong maging masaya sa piling mo," malalim na hininga ang hinugot n'ya, "hindi ko kaya."

Inalis ko ang kamay n'ya. "Lahat gagawin ko para mapasa'kin ka. Wala akong pake kahit masaktan si Xian."

Nanlaki ang mata n'ya nang sakupin ko ang kan'yang labi. Tumiim ang bagang ko dahil sa ginawad n'yang sampal. Umukit ang ngisi sa bibig ko habang nakatitig sakan'ya.

"Dito kayo nag-umpisa diba?"

Napuno ng galit ang mata n'ya. "Binaboy ka ni Xian pero balewala sa'yo 'yon dahil nagpakatanga ka!"

Another Way Of Bullying (Montealto Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon