Kabanata 18

126 7 0
                                    

Kabanata 18

Cigarettes

Scarlet's POV

Agad kaming nagtungo sa locker para ilagay ang hinubad naming uniporme.

"Kamusta ang date n'yo ni Aiden kahapon?" pag-uusisa ni Stacey habang tinutupi ang chef's jacket n'ya.

Umukit ang ngiti sa labi ko nang sumagi sa aking isip ang nakangiting mukha ni Aiden. No'ng una akala ko parehas sila ni Xian pero sobrang layo ng ugali nila. He's so sweet and gentleman. Sumandal s'ya sa pinto ng locker at matiim akong tinitigan. Tumango-tango s'ya kasabay ng pag guhit ng nakakalokong ngiti sa labi n'ya.

"Hindi mo na pala kailangan sagutin ang tanong ko. Halatang nag-enjoy ka."

Mahinang tawa ang pinakawalan ko bago pinasok ang hawak kong apron sa paper bag. "Pupunta ka ba sa bahay mamaya?"

Umiling s'ya at kinuha ang maliit na salamin sa kan'yang bag. "May bago akong tuturuan." She applied orange lipstick on her lips. "Pupuntahan ko s'ya sa condo unit n'ya mamaya 'pag tapos ng part time job ko."

Napasapo ako sa aking noo nang maalala na ngayon ang unang araw ko sa convenience store na in-applyan ko kahapon. Agad kong pinasok sa locker ang aking hawak at nilock ito bago s'ya hinarap.

"Kailangan ko nang umalis, may trabaho pa pala ako." Hindi ko na hinintay ang sagot n'ya, patakbo na akong lumabas.

"Ingat ka, Scar!"

Nilingon ko s'ya at kinawayan.

Agad akong nagtungo sa locker para magbihis ng t-shirt na may logo at pangalan ng convenience store na pinagta-trabahuhan ko. Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga biscuits sa stall nang marinig ang pagbukas ng pinto. Inangat ko ang aking ulo nang makitang huminto sa harapan ko ang customer na kaka-pasok palang. Seryosong mukha ni Xian ang bumungad sa'kin. Magulo ang buhok n'ya at may sugat ang gilid ng kan'yang labi.

"Xian," sambit ko habang pinagmamasdan s'ya.

Malamig na tingin ang ginawad n'ya bago kumuha ng isang kahang sigarilyo at nilapag sa counter. Naglakad ako patungo sa lalagyan ng betadine at bulak para gamutin ang sugat n'ya. Nanlaki ang mata ko nang makita ang presyo ng sigarilyo.

"3,350? Napakamahal naman nito," ani ko na hindi pa nalalayo ang bar code scanner sa aking hawak. "Bakit gumagastos ka ng ganito kalaki? Sisirain lang nito ang baga mo!" Inangat ko ang aking mukha dahilan ng pagtama ng aming mata. Binalik ko nalang ang atens'yon sa monitor.

Nilabas n'ya ang kan'yang wallet at kinuha ang atm card.

"Umupo ka muna do'n." Tinuro ko ang malapit na upuan. "Gagamutin ko ang 'yang sugat mo."

"You don't need to." Kumuha s'ya ng isang yosi at sinindihan ito. "'Wag kang umarte na nag-aalala ka sa'kin." Gumuhit ang ngisi sa labi n'ya bago nilagay ang hawak na sigarilyo sa bibig. "Kay Aiden mo dapat ginagawa 'yan, mas marami s'yang sugat kaysa sa'kin." Umupo s'ya at binuga ang usok sa aking gawi.

Naglakad ako patungo sa kinauupuan n'ya at umupo sa kan'yang tabi. "Mamaya ko s'ya gagamutin tutal pupunta rin naman s'ya sa bahay." Binuksan ko ang aking hawak at nilagyan ng betadine ang kapirasong bulak na nasa kamay ko.

Kumunot ang noo ko nang basain n'ya ng betadine ang hawak n'yang sigarilyo para mamatay ang sindi nito. Matiim s'yang nakatitig sa'kin habang dinadampi ko ang bulak sa gilid ng labi n'ya. Sandamakmak na kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang hawakan n'ya ang aking kamay.

"I saw how happy you are with Aiden." Gumuhit ang pekeng ngiti sa labi n'ya.

Nanatiling nakatikom ang bibig ko habang sinasalubong ang ginagawad n'yang tingin.

Another Way Of Bullying (Montealto Series I)Where stories live. Discover now