Kabanata 15

150 6 0
                                    

Kabanata 15

Scuba suit

Patakbong lumapit si Stacey nang makarating sila. Nasa tapat kami ng bahay kung saan naroon ang mga swimming pool. Halos mga bundok na nagkukumpulan ang matatanaw mula rito. Sumulyap ako sa gawi ni Xian, nakahiga s'ya sa swimming bench na hindi kalayuan sa kinatatayuan namin. Tanging itim na swimming trunks lang ang kan'yang suot. Hindi ko maiwasang purihin ang perpekto n'yang katawan. Binaling ko ang atens'yon kay Stacey nang magsalita ito.

"Binilhan kita ng swimsuit." Kinuha n'ya ito sa dala n'yang paper bag at inabot sa'kin.

Kumunot ang noo ko nang hablutin ito ni Xian. Bakas sa mukha ni Stacey ang pagkainis. He took off his black shades. I can clearly see his amber eyes stared at me.

"'Wag ka ngang epal!" madiin na sabi n'ya ngunit hindi s'ya nito pinansin.

Nanatili itong nakatitig sa'kin.

"Don't wear this kind of swim wear," madiin ang pagbigkas nito sa bawat salitang kumawala sa kan'yang bibig.

"Ano ba'ng pake mo? Boyfriend ka ba n'ya?" nanggigigil na tanong ni Stacey kasabay ng pagkuyom ng kan'yang palad.

Nanlaki ang mata ko nang itapon ni Xian sa swimming pool ang hawak n'yang swimsuit. Naglandas ang kamay ni Stacey sa kwelyo nito at matapang na tinitigan bago ginawaran ng malakas na suntok sa mukha.

"Stacey!" Hinawakan ko s'ya sa braso at hinila palayo rito.

Gumuhit ang ngisi sa labi ni Xian habang pinupunasan ang dugo sa gilid ng kan'yang labi. "I'm glad that Scarlet doesn't know how to punch."

Inalis ni Stacey ang kamay ko na nakahawak sakan'ya at akmang susuntukin ulit si Xian ngunit humarang si Sam kaya dito tumama ang ginawad n'yang suntok.

"You're acting like a superhero huh." Inirapan n'ya ito at hinawakan sa balikat. "Umalis ka! Hindi pa ako tapos sa kaibigan mo!"

Tumaas ang sulok ng labi ni Xian habang nakatingin sakan'ya. Bakas sa mukha nito ang pagkamangha.

"Punch me instead of him," ani Sam.

Bahagyang napapikit ang isa n'yang mata nang dumapo ang kamao ni Stacey sa kan'yang mukha.

"Stacey!" bulyaw ko nang makita ang pasa at tumutulong dugo sa labi ni Sam.

Malalim na hininga ang hinugot n'ya bago tumalikod at naglakad paalis.

"May first aid kit ako sa bag, gamutin natin 'yang sugat mo," ani ko kay Sam.

"Baka nakakalimutan mong sinuntok rin ako ng kaibigan mo!" singhal ni Xian sa likuran ko.

"Okay lang, susundan ko muna si Stacey," aniya at tumakbo para sundan ito.

Mainit na palad ang dumampi sa balikat ko. Pinihit n'ya ako paharap sakan'ya.

"It's hurt." He pouted his thin lips which made my forehead furrowed. Nagkaro'n rin ng pasa ang gilid ng kan'yang labi.

"Kasalanan mo rin namin." Tumalon ako sa swimming pool at kinuha ang hinulog n'yang swimsuit. Agad akong umahon nang makuha ito. Nakakunot ang noo n'ya habang nakatingin sa'kin.

"Don't you dare to wear that swimsuit," madiin n'yang sabi. Naglakad s'ya patungo sa hinigaan n'ya kanina at kinuha ang paper bag na nakalapag sa swimming bench. "Ito nalang ang suotin mo," aniya nang makabalik sa harapan ko.

Agad ko itong binuksan at niladlad ang laman nito. "Gusto mong scuba suit ang suotin ko habang naliligo?" kunot noo kong tanong habang pinagmamasdan ito.

Another Way Of Bullying (Montealto Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon