Kabanata 30

118 5 5
                                    

Kabanata 30

Proposal

Xian's POV

Even though I am not sure if Scarlet will be happy seeing me again, I still tried to show up on her 24th birthday. My hand hurriedly took off the seatbelt when I arrived at the restaurant that Aiden sent.

I turned to server that standing beside the glass door. "Do I look good with this suit?" I asked.

She giggled. "You look incredible, sir."

Sunod-sunod na hinga ng malalim ang ginawa ko bago pumasok. The instrumental music echoed. My heart pounds as I saw Scarlet sitting in front of Aiden.

"Damn! You slay as always, baby," I murmured.

Tumaas ng bahagya ang kilay ko nang tumayo si Aiden at lumuhod sa harap n'ya. Huminto ako sa gilid, katabi ng banda. They are playing 'God gave me you.'

"Will you marry me, Scarlet?" tanong nito habang nakatitig sakan'ya.

Tumulo ang luha sa mata n'ya. Mariin kong kinuyom ang aking palad.

"Yes, I will."

Umukit ang ngisi sa labi ko kasabay ng paghigpit sa pagkakahawak sa bulaklak.

They look happy...

"I went here to surprise you but I'm the one who got surprised, baby."

Tumingin ako sa katabi ko. I smiled at them genuinely.

"Make their night memorable."

Nginitian lang nila ako. Binaling ko ang atens'yon sa harapan.

I wish I was the one who is embracing you right now.

Tumalikod ako at naglakad paalis. Binigay ko ang isang bouquet na rosas sa babaeng nakatayo sa gilid ng pinto.

"Happy birthday..."

Nagtatakang tiningnan n'ya ako. "Sir, hindi ko naman po kaarawan."

Nginitian ko lang s'ya at nagpatuloy sa paglakad.

"Scarlet."

Sumandal ako sa pader nang makarating sa labas. Kinuha ko ang isang kahang sigarilyo at sinindihan ang dalawang piraso nito. Sabay ko itong nilagay sa aking bibig.

"I told you that whenever I crave for cigarettes, I will kiss you instead..." Malakas na tawa ang pinakawalan ko. "Should I go inside and do that in front of your asshole fiancé?"

Umayos ako ng tayo at humarap sa pader. Sunod-sunod ko 'tong sinuntok. Tiniis kong 'wag magpakita sakan'ya at mag-aral ng mabuti para may mapatunayan pagbalik ko dito... pero mukhang huli na ang lahat.

Ngumisi ako nang makita ang tumutulong dugo sa aking kamao. Pinunas ko 'to sa suot kong black suit.

"I didn't expect that you will show up."

Binuga ko sa gawi n'ya ang usok ng sigarilyo. Tinapik ko s'ya sa balikat nang makalapit sa'kin.

"Congrats, bro," madiin kong sabi habang matiim na nakatitig sakan'ya.

Umukit ang ngiti sa labi n'ya. "Thanks, be my best man on my wedding."

Tumaas ng bahagya ang kilay ko kasabay ng pag nguso. Mahinang tawa ang pinakawalan ko bago tumango.

"Sure." Tinapon ko ang aking hawak at nilagay sa bulsa ang kamay.

"Mr. Montealto?"

Napunta ang atens'yon ko sa kalbong nakatayo sa harapan.

Another Way Of Bullying (Montealto Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon