Kabanata 38

105 4 4
                                    

Kabanata 38

It hurts more

Scarlet's POV

Agad akong tumayo nang marinig ang pagbukas ng pinto. Malaking ngiti ang nakapinta sa labi ni Xian habang naglalakad palapit sa'kin.

"Nasa'n ang Daddy mo?" tanong ko habang lumi-linga sa paligid.

Dumampi ang malambot n'yang labi sa aking pisnge. Uminit ang mukha ko dahil dito.

"Nasa kotse." Nilapag n'ya ang hawak na paper bag sa babasaging mesa. "Kausap si tita Tasha."

Pabagsak s'yang umupo sa sofa. Pinagmasdan n'ya ako habang tinitingnan ko ang mga binili n'ya. Kumunot ang aking noo. Inangat ko ang aking ulo para makita s'ya.

"Bakit ang dami nito?"

Tumaas ng bahagya ang kilay n'ya bago ngumuso. "I don't know what brand you're using, so I just bought it all."

Kinuha ko ang receipt. Napalunok ako nang makitang three dollars ang isang pack. Mumurahin lang ang napkin na ginagamit dahil itatapon lang naman ito.

"Doblehin mo nalang para magamit mo lahat."

Tumango-tango ako bago binalik ang atens'yon sakan'ya. Umukit ang ngisi sa aking labi.

Sunod-sunod na iling ang ginawa n'ya. "I won't do what you're thinking."

"Hatiin natin 'to. Tig-anim tayo." Mariin kong kinagat ang aking pang-ibabang labi para magpigil ng tawa.

Napasapo s'ya sa noo n'ya kasabay ng pagtingin sa labas. "Don't do this to me, baby," malalim n'yang sabi.

Kumawala ang malakas na tawa sa bibig ko. "Doblehin mo para maubos kaagad." Sunod-sunod na tango ang ginawa ko. "Diba palaging tumatayo 'yang alaga mo?"

Kumunot ang noo n'ya kasabay ng pagtingin sa'kin.

"Takpan mo nito," tinaas ko ang isang napkin, "para hindi makatusok." Pumalibot sa paligid ang malakas kong tawa.

Tumayo s'ya at naglakad palapit sa'kin. "That make sense."

Nakaawang ang labi ko habang pinagmamasdan s'ya. Dinampot n'ya ang diaper bago ako tiningnan.

"Okay, I will use this big napkin."

Naglandas ang isang kamay ko sa aking bibig. Mariin kong kinagat ang aking daliri.

Kumunot ang noo n'ya nang makitang nagpipigil ako ng tawa. "Why?"

Sunod-sunod na iling ang ginawa ko. "W-wala." Kinuha ko ang hawak n'ya. "Kaya ka bumili nito dahil akala mo malaking napkin 'to?"

Tumango s'ya. "I just thought you might need it." Ngumuso s'ya bago sumulyap sa pinto at kumamot sa ulo. "Did I bought the brand you're not using?"

Pumulupot ang kamay ko sa kan'yang bewang. Tumingala ako para makita ang maganda n'yang mukha. "I love you."

Yumuko s'ya ng bahagya at ginawaran ako ng halik sa noo. "I love you more than you know."

"Pero hindi malaking napkin ang diaper." Kumalas ako sa pagkakayakap at nilapag ito sa mesa. "That's for babies."

"But you are my baby."

Mariin kong kinagat ang aking labi para pigilan ang pagsilay ng ngiti. Napatingin kami sa pinto nang bumukas ito. Pumasok ang naka-itim na suit. Hindi nagkakalayo ang mukha nila, parehas silang mapungay ang mata at kahit may-edad na ito bakas parin ang kakisigan.

"Good evening, sir," bati ko sa daddy n'ya. Akmang yuyuko na ako ngunit hinawakan ni Xian ang aking braso.

"Don't do that," malamig n'yang sabi.

Another Way Of Bullying (Montealto Series I)Where stories live. Discover now