61: Mira

86.4K 1.9K 548
                                    

Gusto ko sanang sabihin na kagaya ng nangyayari sa mga telenovela, sumabay ang langit sa pagdadalamhati ko. Tipong habang pumapatak ang mga luha mula sa aking mga mata ay sige rin sa pagbuhos ang malakas na ulan, kaya ayos lang na ilabas ko ang lahat ng sama ng loob na aking nararamdaman dahil wala namang ibang makakapansin.

Ang kaso, hindi iyon ang nangyari. Heto ako, matapos lumabas mula sa building ng Global Projects, naglalakad sa gitna ng initan habang parang tangang umiiyak. Halos lahat ng nakasalubong ko ay tinititigan ako habang takang-taka ang mga mukha. Subukan ko mang tumahan ay hindi ko magawa.

Try as I might, hirap na hirap akong tanggapin na meron palang anak sina Vren at Bella.

Sige lang, Mira. Iiyak mo na lang 'yang nararamdaman mo, pag-alo ko sa aking sarili. Pasasaan pa at mapapagod din ang mga mata mo.

Pumara ako ng taxi. Halata man ang gulat dahil sa namumula kong mukha at namumugtong mga mata, buti na lamang at pinasakay pa rin ako ni Manong Driver.

"Saan po tayo, ma'am?" tanong niya sa akin.

I told him our family home's location. As much as I would like to go back to Medialink, sa ngayon ay hindi ko pa kayang harapin si Vren. I would rather seek the company of my parents instead, dahil kung meron mang nakakaalam ng pinakamabuti kong gawin sa sitwasyong ito, sigurado akong sina Mama at Papa 'yon.

****

As expected, gaya ni Manong Driver kanina ay nagulantang din ang mga magulang ko nang makita nila ang kalunos-lunos kong itsura dala ng walang patid na pag-iyak.

"Mira? Susmaryosep! Anong nangyari sa'yo, 'nak?" Mama asked, alarmed, after she opened the door for me. Behind her was my father, wearing the same aghast expression.

A fresh surge of tears fell from my eyes. Ito ang pinakamahirap, ang sabihin sa kanila ang dahilan ng aking pag-iyak.

"Ma, kasi po..." I hastily wiped the tears from my face. "Nalaman kong may anak pala sina Vren at Isabella."

Sa sinabi kong iyon ay nagkatinginan sina Mama at Papa.

"May anak kamo sina Vren at Isabella?" To my surprise, my mother was unusually calm after hearing my revelation. In-expect ko pa namang magiging hysterical siya dahil sa sinabi ko.

At any rate, I nodded to give her the confirmation she asked for.

Ilang saglit ding hindi kumibo si Mama. Until finally, she said, "Kung ganoon, hindi na kayo pwede ni Vren. Hindi magandang tingnan na boyfriend mo ang tatay ng anak ng kapatid mo."

"P-po?" Maybe my brain was still foggy from all the crying, but what I heard didn't make sense to me. "Ano pong ibig mong sabihin, Ma?"

My mother sighed. Papa, meanwhile, placed a gentle hand on her arm and asked, "Monica, ngayon na ba talaga natin ito sasabihin kay Mira?"

"Kailangan na niyang malaman ang totoo, Ted," sagot ni Mama sa kanya.

They shared another meaningful look. Kalaunan ay tumango si Papa — a clear sign that the two of them had reached an agreement.

They led me to the living room in silence. Eventually, it was my father who first spoke again.

"Tatawagin ko lang siya," sabi niya kay Mama.

Tinungo ni Papa ang kwarto ni Myron na nasa ikalawang palapag ng aming bahay. Nagtataka ko namang binalingan si Mama.

"Ma, sino po ang tatawagin ni Papa?"

My mother's cheeks turned a vivid shade of pink. Sa kanya ko namana ang kutis ko na napakadaling mamula kapag nahihiya.

"Si Arkin, 'nak," she explained. "Pinagtago namin siya nang marinig naming may kumakatok sa pinto. Hindi naman namin inasahan na bibisita ka rito ngayon."

My Boyfriend is a Freak (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon