45: Mira

103K 1.5K 145
                                    

"Alam mo, Alexia, kung hindi ka lang naging bakla ay baka nilandi na kita," Hannah, who was applying electric pink nail polish to her fingernails, said. "Ang gwapo mo pa naman sana. Sayang!"

"Kilabutan ka nga sa sinasabi mong lalandiin mo ako, Hannah Marvilla!" Pinandilatan siya ni Alexia. "At saka anong sayang ang sinasabi mo riyan? Hindi sayang ang pag-e-express ng tunay nating pagkatao. And this is the real me – gay and proud!"

"Hmm, sabagay." Hannah beamed at him. "I stand corrected. You do you, girl!"

"Thanks, girl." Alexia returned her smile. "Hindi ko naman kasi kasalanan na pusong-babae ako. Kung pwede nga lang na magpalit ng katawang-lupa, matagal ko nang ginawa. Pipiliin ko ang katawan ni Mira para maangkin ko na si Papa Vren."

"Bruha ka talaga, Alessandro Pinpin." Tumawa si Mavi.

"Pasensyahan na lang tayo dahil hanggang pangarap na lang ang pag-angkin mo kay Vren," I told Alexia with a smirk. "Mr. Montevilla is mine."

"Mr. Montevilla is mine, e hindi nga kayo bati?" mapang-asar na tanong naman niya.

"Che! Magbabati rin kami. You just wait," confident na sagot ko. "Lalo pa ngayon na nakaisip na ako ng paraan para suyuin siya?"

Tumaas ang kilay ni Alexia. "Gano'n? At ano naman 'yang naisip mong paraan, aber?"

"I'm going to give him a peace offering. Sakto dahil birthday na ni Freak bukas." I grinned. "And by the way, girls, I'll be needing your help."

****

Madaling-araw pa lang pero heto ako't gising na gising na.

Alright, slash that. I wasn't really that awake. In fact, groggy ako dala ng kawalan ng tulog dahil pinagpuyatan ko ang paggawa ng ipangreregalo kay Vren Andrei. But despite that, itinuloy ko pa rin ang plano namin ng PPGNG.

Nandito kami ngayon nina Hannah, Mavi, at Alexia, mistulang mga miyembro ng Akyat Bahay Gang na nagkatipon sa labas ng condo unit ni Vren. Mabuti na lang at walang kahirap-hirap kaming nakapasok sa building dahil kilala ako ng naka-assign na security guard bilang ang magandang girlfriend ni Mr. Montevilla.

"Pakihawakan nga ito saglit, friend," bulong ko kay Alexia sabay abot sa kanya ng regalo ko para sa aking jowa. Earlier, I carefully covered it with a cotton cloth – mahirap na at baka masira pa ang magdamag kong pinagpuyatan. "Ingatan mo 'yan, ha? Hindi pa fully dried 'yan kaya please, please handle it with care. Yari ka sa akin kapag nag-smudge ang kulay niyan!"

"Ang dami mo pang sinasabi, Mirathea!" Alexia glared at me. "Just open the door to Papa Vren's condo unit! Hindi na ako makapaghintay na makita kung gaano siya kagwapo habang natutulog!"

"'Wag ka ngang hitad!" saway sa kanya ni Mavi. "Nandito tayo para tulungan si Mira na sorpresahin si Sir Vren, hindi para pagpantasyahan mo ang boss natin!"

"KJ ka talaga kahit kailan, Maria Eva!" nakasimangot na linya ni Alexia. "Palibhasa, manang."

"Ah, manang pala ha?" Isang malakas na batok ang iginanti ni Mavi sa kanya.

"OMG. Napakalikot niyo namang dalawa!" Hannah whispered in a panic. "Akin na nga 'yan, Alexia! Ako na ang maghahawak niyan." She carefully pried my peace offering slash birthday gift to Vren from our friend's hand.

I, meanwhile, keyed in the passcode to Vren's unit's smart door lock – our anniversary date. When the door opened, I glanced at my friends.

"Tara nang pumasok, girls. Dahan-dahan lang ang paglalakad, okay?" I reminded them. "Kapag nagising si Vren, sira na ang surprise. At kapag nangyari 'yon, may tig-iisa kayong flying kick galing sa akin. So, be quiet. Understand?"

My Boyfriend is a Freak (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon