[Ch.16] When jealousy strikes.

6.3K 94 13
                                    

[Ch.16]

// Abbigail's Point of View

"You can still get him back." Ilang linggo na matapos kaming mag-usap ni Riyu pero patuloy pa rin na umuulit ang mga kataga niyang iyon sa isipan ko. Baliw na nga raw ako sabi ni Hazel, minsan kasi bigla na lang tumutulo ang luha ko habang nakatulala. It still hurts. Mahigit isang taon na ang nakalipas... masakit pa rin. But if Riyuji was right, if Paolo really did love me.. then it would be easier for me to get back our relationship, isn't it? How desperate of you, Abby.

 

"Thinking of him again? Oh, Abby," Hazel sighed. At some points, I really wanted to listen to her, to follow what she says but my heart kept on contradicting her and my mind. 

"You don't understand this effin' feeling," I said. Hindi kasi siya yung tipo ng babae na madaling mainlove o gumaan iyong loob sa ibang tao. In short, choosy siya. Actually, nagkakacrush naman siya but the thing is, hindi na iyon humihigit pa roon. She's idealistic and she prefers to be on the right side even if that means to wager her happiness. 

"Psh, mind is always greater than the heart." Ito na naman ang prinsipyo niya. Madali lang naman sabihin ang mga ganitong bagay eh. Salita. Kaya ko rin namang sabihin iyon ngunit ang mahirap ay ang panindigan ito sa gawa. Masyado kong sinusunod ang puso ko sa mga bagay-bagay na nangyayari sa akin, sa tingin ko kasi ay sa ganitong paraan ay hindi ako magsisisi. Our hearts always choose what will make us happy.

"Makahahanap ka rin ng katapat mo, Hazel. Believe me." I smirked. I met a lot of people who were once idealistic and always use their minds rather than their hearts in everything they do, but the thing is, there will always come a time that they would have to exempt that situation from their ideals. Love is blind, a cliche which we commonly hear. Ang tao pag nagmamahal nagiging tanga.

"Magtatago ako," biro nito. How I wish it's as easy as that!

"You cannot hinder nor control fate, sissy." Maraming beses kong pinilit na panatilihing kaibigan ang turing ko kay Paolo. Best friend ko siya eh, pero sa huli, hindi ko pa rin nagawang mapigilan ito. Dahil sa puntong iyon, sobra sobra na pala ang pagmamahal ko para sa kanya.

"Fate? Crap. Tayo ang gumagawa nun." I believe in that. Tayo ang gumagawa ng fate natin, but not those circumstances that intrudes our ways.

"We'll see." 

Matapos naming bilhin ang mga materials namin, nagpasya akong magpa-alam kay Hazel upang mauna na.

Habang namimili kasi kami ay napagtanto ko ang lahat. 

Trystan Paolo Salvatorre. Siya yung tanging lalaking makapagpapasaya sa akin. Kung hindi ako minahal ni Paolo, edi sana nilayuan na niya ako. Kilala ko siya, hindi siya yung tipo ng tao na pa-fall, sadyang madali lang siyang mahalin. Ayoko nang magsayang ng panahon. Wala namang mawawala kung isusugal kong muli ang puso ko. Oo, siguro nga, maaring masaktan ako muli pero mas mabuti ng sinubukan ko kaysa manatiling pagsisisi ito kinalaunan.

Pumara ako ng taxi sa labas ng mall. "Reinham Subdivision po, Gate 1."

Hindi pa nagiinit ang pwet ko ay nakapasok na kami sa gate 1. Mabilis lang kasi ang byahe.

"Paki-kanan na lang po roon sa may street sign." Bumaba ako sa harap ng isang bahay. Kulay puti at itim ang kulay nito. Mapapansin din na edgy ang style ng pagkakagawa sa porma ng bahay. May dalawa itong palapag. Maaliwalas ang bahay na iyon, sabi nila narereflect daw ng bahay kung ano ang nararamdaman ng mga taong nakatira rito. Siguro nga'y masaya ka. Mabuti naman, pero sana... aish!

He's My Cousin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon