[Ch.13] Magician's Tale

6.6K 112 36
                                    

[Ch.13] Magician's Tale

// Ayanna's Point of View

"Excited na ako sa laban!" bulalas ni Ella. Bago kasi matapos ang ligong iyon ay magaganap ang basketball game ng high school department ng university namin laban sa Harrington University. Maging ako ay nasasabik na rin, isa rin kasi ang event na ion sa pinakahihintay sa school year na ito, but there is a part in me that doesn't want that day to come. Isang linggo kasi matapos ang big game na iyon ay aalis na si Ian ng Pilipinas.

"Maglalaro si Ian, diba?" tanong ni Liz. Tumango na lamang ako bilang tugon.

Sa totoo lang ay hindi maganda ang pakiramdam ko simula pa kaninang umaga. Dala na rin siguro ng mga bagay na iniisip ko sabayan pa ng napakaraming gawain para sa school.

Ayokong umalis si Ian. Ayoko. I may be selfish but I don't want him to leave so that he'll be at my side whenever I need him. His presence reminds me of whom I should love, it reminds me the difference between the right love and the forbidden one. He's my only hope, my hope that I wouldn't fall in the depths of the fires of hell for my immorality. Falling in love for my cousin wasn't that easy.

"Are you ok?" tanong ni Ella. "Kanina ka pa ganiyan," puna ni Lizel.

"Masama lang ang pakiramdam ko," tugon ko. Ilang araw na rin kasing kulang ang tulog ko. Itong mga guro kasi namin ay kung kailan malapit na ang closing ng school year ay tska pa ipaaasikaso ang mga requirements. They should have told us what we need to do ahead of time.

"Aya!" may tumawag sa aking pangalan. Nilingon ko ito at nakita ko ang isang pamilyar na pigura.

Si Scarlet.

Muli na namang nanumbalik sa isipan ko ang nakita ko noong isang taon. Ito rin ang eksaktong lugar kung saan ko sila nakitang magkasama ni kuya. Hindi ko pa rin maiwasang mag-isip kung sino ba talaga siya, kung anong konekyson niya sa pinsan ko. We've been seatmates for the whole academic year yet we never had the chance to be good friends.

"May ipabibigay sana ako sa'yo," anang Scarlet. "Ano iyon?" halos nanlalata kong tanong sa kanya.

Mula sa kanyang bag ay naglabas siya ng isang mumunting kahon. Box, kahawig nang ipinabibigay niya noon kay kuya. "Para kay Paolo."

"A-ano 'to?" may halong panibugho kong tanong kay Scarlet. Questions were bombarding my mind, adding more to them will make me burst into a more complicated confusion.

"You need not to know." She shrugged her hair.

"I can open it on my way home," banta ko sa kanya. Hoping that I need not to open that box 'illegaly' to know what's inside. Was Kuya Pao that special to her that she needs to give presents every now and then?

"Tch!" I heared her mumble something but I wasn't able to understand it. May kakaiba talaga sa ugali niya, ito siguro ang dahilan kung kaya't kahit kailan ay hindi kaming nag-jive.

"Fine. i'll give it to him." Wala naman siguro akong dahilan para usisain pa kung ano ang laman ng bag na iyon.

"Thanks." Tumalikod na ako sa kanya. "But please, Ayanna, don't open it," paalala ni Scarlet. Masyado bang confidential ang laman ng box na 'to? Hindi kaya nude photos nila ni kuya? O di kaya ay scandal.

Ang dumi ng utak mo, Aya.

Huminto ako sa paglalakad, "I won't," then we headed on our way home.

He's My Cousin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon