[Ch.27] Blessing

3.5K 61 12
                                    

Warning: Lame update ahead.


[Ch.27] Blessing

// Ayanna’s Point of View

 

Buong magdamag nakatulala lang ako sa kisame—hindi ko alam kung nagkakaganito ba ako dahil sa ginawa niya, that he broke up with me, o sa sinabi niya. Hindi ko lubos maisip kung bakit kailangang mangyari ‘yun. Sana hindi ko na lang pala hinayaang bumalik siya sa Los Angeles, tutal sabi niya naman sa akin noon ay pigilan ko lang siya ay hindi na siya tutuloy. I wish Ian was here, edi sana okay ang lahat. Kahit mahirapan ako, okay lang.

"I’m sorry, Aya,” sabi niya sa akin. I didn’t know why he was so sorry; well in fact, I’m the one who should ask for his forgiveness. Ako ang may kasalanan sa kanya.

“Para saan, Ian? Wala ka namang kasalanan. Everythings gonna’ be okay, Ian. Ano man yang problema mo.” I tried to comfort him. I tried to let him feel the he isn’t alone and I’m here for him no matter what. Ian doesn’t deserve something like this.

“You… you remember Sandrine, right?” he sniffed. Has he finally loved that girl? Nagkakaganito lang ba siya dahil na-fall a siya sa Sandrine na ‘yun at naguguilty siya dahil feeling niya na-take for granted ako? If that is so, I’m happy for him. At least now, he found someone who could give back the love he could offer. Base kasi sa mga kwento ni Ian noon, Sandrine is a gorgeous-nice girl.

“Oo,” I smiled. “Ian, kung na-realize mo na siya naman talaga at hindi ako ‘yung mahal mo maiintindihan naman kita eh. Hindi mo kailangang ma-guilty riyan.” Siguro kinailangan na mangyari ito na ma-fall sa iba si Ian para hindi ko na siya masaktan. Ayoko rin namang masaktan siya kaya okay na ako sa ganitong set-up.

“No, Aya. No,” umiiyak na naman siya. Ang sakit pakinggan na ‘yung taong alam mong matatag ay alam mong umiiyak sa puntong iyon. “I—I go her… I got her preganant.”

 

Nanlaki ang mata ko nang marinig ko iyon. Halos hindi ako makapaniwala. “D-do y-you love her?”


“No… Aya, alam mo n-naman na ikaw lang di-diba?”

“Oo, pero bakit nangyari? Anong.. Anong..” Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi pa nagsi-sink in sa akin ‘yung sinabi niya. Why is this happening to him? Why is this happening to us? Hindi siya nagsasalita sa kabilang linya pero alam kong umiiyak siya kaya siguro nilayo niya iyong telepono. I can’t let you down in times like this, Ian. I owe you a lot.


“Ian, ano ba! Sabihin mo na kasi kung anong problema ron. Hindi naman ‘yan problema diba? Blessing yan! Nandito ako para sa’yo… masosolve naman natin yan diba? Diba?” I was crying too. Masyado pang bata si Ian to face that kind of thing.

“Yeah, maayos din ito, but I’m not that stupid and selfish to drag you into my own foolishness,” huminga siya ng malalim. “I’m breaking up with you.”

“Even if it’s not us in the end… Even if we need to part our ways, I promise you this thing Aya… I’ll make sure you’ll be happy. I’ll do everything to make you happy. Everything.” Narinig kong nag-sniff siya.

“I will always love you. Goodbye, Aya.” And for the first time, Ian said goodbye to me. Tears poured down my eyes.

He's My Cousin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon