[Ch.2] His Room

13.1K 228 26
                                    

[Ch. 2]: His Room

// Ayanna’s Point of View

Noong mga sandaling iyon ay parang gusto kong kainin na lang ako ng sahig na kinatatayuan ko. I couldn’t imagine what the hell was happening to me. I kissed my cousin and now he’s going to live with us? How could that be possible? I couldn’t really fathom why this has to happen. Anong sasabihin ko kay Kuya Paolo? Paano kung isumbong niya ako kay mama o kay papa? How could I explain why the heck did I kiss my own cousin?


Ayoko. Hindi talaga pwede. Paano ko makakayanang tumira sa iisang bahay kasama ang pinsan ko na hindi ko naman sinasadyang mahalikan noon reunion namin? And to make it clear, it’s not me who kissed him. It’s the other way around!
Nabalik na lang ako sa ulirat ko nang ayain na kami ni mama na kumain ng hapunan. Sa kinasamaang palad, katabi ko pa si Kuya Paolo. Oh life.


Bawat ingay nga na ginagawa ng kubyertos niya ay napatitingin ako. Feeling ko kasi eh bigla na lang niyang ibaba  ang mga ito at sisimulan ang kwento niya tungkol sa nangyari sa beach.

“Ang tahimik niyo naman,” pagpansin ni papa sa amin. “Dapat masanay na tayong sabay-sabay sa hapagkainan.”

“Eh kumakain kami, alangan namang dumaldal kami,” sagot ko kay Papa. Hindi naman pabalang. Wala lang talaga ako sa mood ngayon.

“That’s what you always do, right?” sagot ni Papa. Oo, sa totoo lang, madaldal ako lalo na pag kumakain kami. This should supposedly my time to share to my parents how my day was. And now, could I tell them? Could I tell them that I want to kick this man beside me? That’s impossible. Kahit nga itanong kung bakit dito titira si Kuya Paolo ay hindi ko magawa. That’s rude for them, sasabihin na naman nila na parang ayokong nandito si Kuya Paolo kung itatanong ko yon.

“Eh,” iyon na lamang ang naisagot ko kay papa.


“Ok lang po yan, Tito June. Nakapagbonding na naman kami sa Bolinao,” sabi ni Kuya Paolo. There was this humiliation he was trying to imply with his statments.

Bakit ba siya ganyan? Siya na nga itong nagnakaw ng halik eh. Though I know, I let him do that. Pero bakit ganun? Parang para sa kanya wala lang. Hello? Magpinsan kaya kami. Mandiri naman siya kahit konti oh. Sa kinikilos niya, sa sinasabi niya at sa way ng pagkakasabi nito ay parang nanlalandi pa siya. Naghahanap ng mapagti-trip-an?

Brain blast! Baka naman kaibigan niya ‘yon? Tapos nakita lang niya yung nangyari tapos napulot lang niya yung necklace ko and saw my name on it! Tama, ganun nga. But.. but those eyes... that was the exact pair of eye that filled my emptiness that day. Everytime I look into his eyes, I couldn’t explain what I was feeling.

Ѽ

Nang matapos ang hapunan ay agad akong umakyat sa kwarto ko. Ayoko na talagang kasama siya! Naka-kokonsensya kaya. Feeling ko ang sama namin, I’m hiding a secret to my parents! This gross secret.

Ginawa ko na ang lahat ng assignment ko, hindi ko nga masagutan nang maayos dahil nawiwindang pa rin ako at dito na siya titira. Hindi dapat ako nagpapa-apekto sa kanya pero bakit kasi ganito ‘yung nararamdaman ko. Kinakabahan talaga ako.

Nag-ring ang cell phone ko at tinignan ko kung sino ang tumatawag: Calling... Ian.

And that’s the call I was waiting for.

He's My Cousin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon